Magpaparaos sa iba (2)

Sulat mula kay Beauty ng Barotac Nuevo, Iloilo  
1.  Kapwa kami may trabaho ng mister ko at ang trabaho ay semi-manual kaya pag-uwi sa bahay sa gabi ay pagod at pata na ako.  Napakainit ng mister ko at kahit ayaw ko na ay namimilit siya.  Walang akong magawa dahil kapag di ko raw ibigay ang gusto niya ay sa iba siya magpaparaos.  Bago matulog sa gabi ay di siya pumapalya.
2. Paggising sa umaga ay isa pa.  Kaya minsan, pagdating ko sa trabaho ay pagod na ako, di pa man nagsisimula.  Gagawin kaya ng mister ko ang magparaos sa iba kapag talagang tinanggihan ko siya?  May posibilidad po ba na magkahiwalay kami? October 14, 1979 ang birthday ko at October 25, 1976 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Beauty ng Barotac Nuevo, Iloilo  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
  Ang zodiac sign mong Libra  (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible at tugma naman kayo ng mister mong isinilang sa zodiac sign na Scorpio, dahil ang Libra at Scorpio ay magkatabi o magkapit bahay na zodiac sign. Ibig sabihin, anoman ang mangyari, sa buhay pang-sexual ninyong mag-asawa, hinding-hindi kayo magkakahiwalay.
Numerology:
Ang birtday mo at birth date ng mister mo ay nagsasabi tugma din ang inyong mga numero. Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Astrology compatible kundi ganon din sa Numerology. Ito ay malinaw na patunay na kahit na tanggihan mo ang iyong mister sa sex, dahil nga katuwiran mo ay sobrang pagod ka na at pata na ang katawan mo ay nais pa nyang makipag-talik, wala namang problema, dahil hindi naman niya magagawang iwanan ka. Tulad ng nasabi na, nakatakda na kayong magsama habambuhay.
Graphology:
Ang lagda ng mister mo na may malalaking lower loop o lower zone ang nagsasabing sa sandaling nai-convert ng mister mo sa pagkakaperahan at pagpapayaman ang kanyang sexual energy, ang energy o libido rin ito ang magpapaunlad ng inyong buhay sa aspetong pang-materyal. Kaya kumbinsehin mo siyang magnegosyo, at kapag nagawa nyong magnegosyo, makikita mo mga apat na taon mula ngayon mayamang-mayaman na kayo.

Beauty, ayon sa inyong kapalaran, tulad ng naipaliwanag na sa sandaling ang hilig ng iyong asawa ay nailipat niya sa gawaing pagkakaperahan tulad nga ng pagnenegosyo, na siya ngang dapat na gawin mo, ang kumbinsehin mo siyang magnegosyo ng mga produktong may kaugnayan sa pagkain, tiyak ang magaganap sa taon 2016 magsisimula na kayong umasenso hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman.

Read more...