Marian, Dingdong tumanggap ng ‘Buddhist blessing’ sa Laos


When Dingdong Dantes told us during the PPL Christmas party for the press na wala silang plano ni Marianita na mag-abroad for the Yuletide season ay hindi kami kaagad naniwala.

Ang feeling namin kasi ay gusto lang niya ng privacy kaya hindi niya ipinaalam kung saang lugar sila pupunta ni Marianing.
True enough, nagbakasyon nga ang couple and the first place they visited was Laos.

Nag-post ang dalawa ng photos nila sa kanilang two-day vacation sa nasabing place. Meron pang isang kuha kung saan they received Buddhist blessings in one ceremony.

“A prayer of any form is greatly appreciated and respected, especially if it will jumpstart one’s year-end vacation. Thank you for the Buddhist blessing,” caption ni Dingdong sa isang photo.

“Wala nang mas sasarap pa na pabaon pauwi kundi ang ipagdasal ka nang ibang tao, kahit iba pa man ang kaniyang Relihiyon. Thank you Lord for everything. #Buddhism #Gratitude,” say naman ni Marian.

( Photo credit to Google )

Read more...