Kris bakasyon sa London, doon mag-iisip kung tatanggapin ang alok na maging Pangulo ng TV5


Hawak pa rin ng “My Little Bossings” ang unang puwesto sa ikatlong araw ng MMFF na kumita ng P35,443,200, sa kabuuan ay naka- P128,668.094 na ito at posibleng madagdagan pa dahil hindi pa kumpleto ang report ng Galleria cinemas dahil nagkaroon daw ng problema sa computer system.

Samantala, nagkaroon naman ng block screening ang “My Little Bossings” kahapon sa Gateway cinema 5 handog ng Yapsters supporters ni James Yap, pero hindi namataan ang mga bida ng pelikula lalo na si Bimby dahil kasalukuyan palang nag-iimpake para sa maagang biyahe nilang mag-iina ngayong araw patungong London kung saan sila magse-celebrate ng Bagong Taon, sa Enero 9, 2014 na ang balik nila kasama ang ilang staff ng Queen of All Media.

Tinext namin si Kris habang tinitipa namin ang kolum na ito kung kailan malalaman ang desisyon niya kung tatanggapin niya ang alok ng TV5 na maging presidente ng network o mananatili siya sa ABS-CBN.

Pero hindi na kami sinagot, inisip na lang namin na baka sa pagbalik nila sa Enero ay may sagot na siya.

( Photo credit to Google )

Read more...