Sex Video Scandal, Demandahan, Hiwalayan, Babuyan sa 2013 (Part 3)

Huling Bahagi
4. SEX VIDEOS
MAS high tech na ang internet, mas lumalaki at mas nakakagulat ang mga pangalang nai-involve ngayon sa sex videos hindi tulad ng unang panahon na mga sexy stars, bold actors at wannabe hosts lang ang bumibida at kadalasan ay kasalanan pa nila dahil sila na rin ang nagli-leak para pag-usapan sila.

Isa sa pinaka-popular na comedian at Dabarkads si Wally Bayola ng Eat Bulaga. Isa naman sa EB Babes si Yosh Rivera. Marami ang humanga kay Wally nang isinadula ang kuwento niya sa Magpakailanman kung saan isa pala siyang butihing asawa at ama sa pamilya niya.

Walang nakakaalam na may tinatago palang lihim ang komedyante at kumakabit sa isang kasamahan niya sa Eat Bulaga hanggang lumabas na lang ang kanilang sex video.

Isa sa pinaka-graphic sex video ang kinasangkutan nina Wally at Yosh na ang sabi ay si Yosh daw ang naglabas nang nalaman nitong magiging kabit na lang siya talaga ni Wally at hindi nito hihiwalayan ang asawa.

Dahil dito, nag-resign si Yosh sa EB Babe samantalang pinagpahinga muna si Wally at tuluyang nawalan ng trabaho kahit sa mga panggabing live shows niya sa Zirkoh.

Samantala, tahimik ang lead singer ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na sila na pala ni Neri Naig, ang one time Star Circle Quest contestant ng ABS.

Bagama’t hindi nagdi-deny, hindi naman ito pinag-uusapan dahil mga tahimik na celebrity naman ang dalawa. Sino ang mag-aakala na sa likod ng kanilang katahimikan ay maingay pala sila sa kama at bini-video pa.

Tila “ang sarap manyakin”’ si Chito na pagkatapos lumabas ang unang video, nagkaroon pa ng kasunod at balitang may iba pa. After the second video, humingi na ng tulong si Chito sa NBI para malaman kung sino ang nagkalat ng video scandal.

Kadalasan pagkatapos ng sex video scandal, hindi na nakakabangon ang involved at puwede itong itanong sa isa sa dating sikat na actress ng isang network.

Wala na si Wally, wala na si Yosh, at tila humupa na ang kayabangan daw ni Chito. Pero si Neri, malapit nang magbida sa isang TV5 anthology na Obsession kasama sina Martin Escudero, Marvin Agustin at Bianca King kaya minsan, totoong napapakinabangan din ang kontrobersiya at naaalala sila ng showbiz.

 

Anne naging reyna ng kanegahan matapos sampalin si Lloydie

3. ANNE CURTIS

Tunay na walang lihim na hindi nabubunyag tulad na lang ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Anne bago magtapos ang taon. Ang People Asia’s National Sweetheart, actress, host, product endorser at pursuer of dreams, sobrang mapera na pala that she reportedly can buy you, your friends and a club.

Ayon sa E News Asia, si Anne Curtis ang kauna-unahang local celebrity na binigyan ng special ng Asian affiliate ng giant US network na E pero may dalawa pang artistang tumanggi na sila ang nauna.

Ayon na rin sa nasabing special na wala nang makakatanggi, si Anne ang biggest endorser ngayon with 31 brands using her name and face, by far the most number for a celebrity.

Isa pang walang makakatanggi, siya rin ang unang nag-one million followers sa Twitter and still the local star with the most number of followers now currently at five million seven hundred thousand plus.

Isang gabi sa isang private club sa Fort kung saan nagbigay ng bachelorette party si Anne para sa isang kaibigan, tila nagtagal ito sa banyo na isang common restroom ng nasabing bar kung kaya’t marami raw ang kumatok dito.

Hindi ito nagustuhan ni Anne kaya paglabas niya sabay sigaw ng “who’s banging at my door?”, balitang sinampal niya ang unang tatlong tao na nakita niya, ang hari ng ABS na si John Lloyd Cruz na pinagsabihan pa raw nitong “addict”, ang top PR girl ng isang communication carrier at ang publisher ng isang magazine.

Hindi rito natapos ang lahat dahil nang makita raw ni Anne si Phoemela Baranda, balitang dinuro-duro niya ito at sinabing, “You, what are you doing here? You’re a whore, I can buy you, your friends and this club!” sabay sigaw daw sa isa sa club owner na “This is the worst club to have a party.”

Ito ang siste, isang linggo nang nakakaraan ng mangyari ang lahat bago ito nalaman ng masa nang hindi makatiis ang isa sa sinampal ni Anne na si JR Isaac.

Nang sumabog na ang balita, biglang nag-Twitter apology si Anne without saying a lot and subtly denying some issues. Nag-apologize na rin ito kay JR nang magkita sila sa isang event so all is well that ends well for the “buyer”’ and the whistle blower.

Meanwhile, itinanggi ni Phoemela na dinuro-duro siya ni Anne at napagsabihan ng ganoong kasakit na salita. Tahimik si JLC, hindi nagsasalita at dahil private person ang nasampal na PR girl, hindi ito mahagilap for comment.

Next year magkakaalaman kung matindi ang epekto nito sa career ni Anne dahil ngayon pa lang, may counter na ang ilang tao sa mga endorsement ni Anne kung mababawasan ito o hindi o dadami pa.

Ayon sa balita, wala na raw ang mainit na palakpakan sa kaniya pero puwede pa naman itong mabago kung mananahimik ng tuluyan ang lahat lalo na si JLC.

2. Napoles Showbiz Connection

Wala talagang maihahantulad kapag nagdikit ang politika at showbiz lalo na kapag iskandalo ang pinag-uusapan. Lahat ng kontrobersiya na may ganitong tambalan, make or break sa involved at ang ikalawang pinakamalaking balita this year, ramdam agad ang epekto.

Pinakamalaking balita ng politika ngayong taon ang Janet Napoles Lim scam sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Naging whistle blower ang mga dati niyang trabahador at kamaganak pa man din para lumabas ang katotohanang bilyong-bilyong pera ng gobyerno ang diumano’y ninakaw ni Janet at ng mga kakampi niya sa politika.

At nang magsalita na ang mga whistle blowers, nakaka-tumbling ang laki ng pangalang nadawit sa showbiz sa pangunguna ni Titanic Action star Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.

Pinaratangan sila na katulong daw ni Napoles sa pagnananakaw ng mahigit ilang bilyong pera galing sa PDAF sa pamamagitan ng mga opisina nila sa senado at sa pangunguna ng mga chief of staff nila. Ang naging kaso, plunder.

Hindi kami manghuhusga sa balitang ito pero ang unang naging depensa ng mga senador, hindi nila alam ang ginagawa ng kanilang mga respective chief of staff.

Gusto naming magpa-survey noon kung may naniniwala sa statement na ito, na walang alam ang isang bossing sa ginagawa ng kaniyang pinaka-trusted aide-de-camp.

By the way, nagpuntahan na ang mga chief of staff nila sa ibang bansa after mag-resign – ilang araw bago pumutok ang balita.
Sunod-sunod pa rin ang depensa nina Bong at Jinggoy at kailangan nilang gawin ito dahil kapag napatunayan ang akusasyon, makukulong sila ng walang bail or pardon tulad ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Kung matutuloy, pangalawang beses na makukulong si Sen. Jinggoy. Pero napansin niyo bang walang “Agimat” movie ngayong taon na ito sa MMFF 2013?

Napapanood pa rin naman si Bong sa kaniyang Sunday knowledge show sa GMA pero missing in action ngayon ang kaniyang asawa, Bacoor Rep. Lani Mercado na nadawit din sa usapan pero sa ibang paraan naman.

At ang natapos ng pelikula ni Jinggoy na nagbigay na ng dalawang press visit kung saan directed ulit siya ni Joey Reyes, maipalalabas pa kaya?

Wala kaming kasagutan diyan dahil pare-pareho silang nasa US ngayon kasama ng mga pamilya para doon magpalipas ng sama ng loob.

Megan Young, iba pang beauty queen sinagip ang Pinas sa kahihiyan

1. MISS WORLD

Dalawang malaking kalamidad ang nangyari sa bansa ngayong taon, ang napakalas na lindol na sumira sa napakaraming istraktura at simbahan sa Bohol at ang sinasabing fourth most devastating natural disaster in history, ang bagyong Yolanda  na may international name Hainan na sumira sa almost ninety five percent of Western Visayas including Tacloban and Samar and killed over 6,000 Filipinos.

Mabuti na lang, sa lungkot ng mga balitang ito, isang korona ang nagbigay sa bansa ng pag-asa. Tatlo lang ang pinakaimportanteng korona na bigay ng international circuit, ang Miss Universe na pinasimulan ng USA, Miss World ng England at Miss International na gawa ng Japan in that order.

Nakadalawa na tayong korona ng Universe, 1969 winner Gloria Diaz at 1973 winner Margie Moran. This year, nakalima na tayo ng International crown; 1964 winner Gemma Cruz, 1970 winner Aurora Pijuan, 1979 winner Melanie Marquez, 2005 winner Lara Quigaman at this year’s winner Bea Rose Santiago.

Pero sa Miss World mula ng sumali tayo noong 1966 na nagsimula ng 1951, hindi pa natin nasungkit ang korona. Ang pinakamalapit natin ay noong 1973 nang naging First Runner Up si Evangeline Pascual at kahit na disqualify ang eventual winner noon, hindi na rin tinanggap ni Evangeline ang korona.

Na-duplicate ito ni Gwendoline Ruais noong 2011 nguni’t nanatiling mailap ang korona para sa isang Filipina. Nabago ito ngayong taon na ito sa powers ni Megan Young.

Nagsimulang Avenger sa Starstruck II, lumipat sa ABS para maging PBB housemate at nag-limbo pansamandali ang career kaya nakapag guest sa dalawang TV5 soaps Never Say Goodbye at Misibis Bay, matagal nang pangarap ni Megan na sumali sa isang beauty contest.

Sumubok siya sa Binibining Pilipinas nguni’t tinanggihan siya ng promoter dahil nagpa-sexy na raw ito sa isang pictorial para sa FHM. Sumubok siya sa Miss World Philippines at tinanggap siya, nanalo ng korona and the rest is history.

Ito ang taon na may pinakamaraming korona tayong nauwi dahil bukod nga sa Miss World, nasungkit din natin ang pang-limang Miss International at isa pa sa bagong patimpalak na Miss Supra National na ginawa sa Belarus, kung saan nanalo naman si Mutya Datul.

Nag-third runner up  tayo sa Miss Universe, si Ariella Arida, ngunit iisang korona lang ang pinakaimportante ngayong 2013, ang pinakamimithi,  ang pinakainaambisyon, ang kauna-unahang Miss World crown sa ulo ng isang Pinay as the rest, icing on the cake na lang, may Yolanda man o wala.

Read more...