Tetay ‘PINAPATAY’ ng mga inggitera; bashers tinalakan ng Kris tv fans


THERE’S part two and three pa pala ng mansion episode ni Kris Aquino for her Kris TV show kaya lang she had it abruptly cancelled.

Kasi naman, batikos ang inabot niya when she had the adoring public view her newly-acquired mansion na talaga namang state-of-the-art ang facilities, sobrang expensive ng furnitures at appliances.

Sa ginawa niyang pagpapakita ng kanyang bagong bahay ay lait to the max ang inabot ni Kris. She was labeled as insensitive. She was called mayabang. Most that she got was criticism, left and right panlalait and pang-aasar.

This prompted Kris to tell her TV staff to re-edit and not show the other episodes which could have revealed the fabulous second floor and third floor.

“Para walang issue, just called Jasmin, PM of Kris Tv – RE EDIT kami ng episode tomorrow…No more 2nd and 3rd floor…thanks for defending me but I really don’t need any NEGA b4 Christmas…nagmagandang loob ako to share pero namisinterpret pa, so wala na lang para walang gulo,”  Kris’ explanation kung bakit wala ng part two ang kanyang mansion episode.

Na-sad nang husto ang fans ni Kristeta and they all think na inggit lang ang bashers ng Queen of Talk kaya nila ito pinupulaan and they feel na gusto lang “patayin” ng mga ito ang career ng TV host.

“Idol hayaan mo po ung mga nega sau inggt lang po yan, kung ako sau wag po padala sa mga inggetra sa buhay mo. Wlang magawa yan sa buhay Idol.

Dba sabi mo pa deadmabels ung mga inggetera sa buhay mo,” me katuturang sabi ng isang fan. “Mas marami kaming may gustong makita ang bahay mo dahil love ka namin at ang mga anak mo, pero sadyang may mga taong may inggit sa katawan , ipagdasal na lang natin sila….

Merry Christmas Ms. Kris, To Bimby and Josh,” obserbasyon ng isa pang supporter. Actually, nagtataka kami kay Kris kung bakit bumigay siya sa pressure.

Ang tapang-tapang niya pero bakit sa isang iglap ay nawala siya, bakit parang pinagbigyan niya ang mga bumabatikos sa kanya?
With what she did ay sinayang lang ni Kris ang effort ng staff niya sa pagkuha ng shots sa kanyang fabulosang balaysung.

Wasted effort ang nangyari, parang taken for granted niya ang production team niya na nag-abalang ma-cover ang kanyang mansion. See the power of Kris, kung gusto niyang tsugihin ang isang portion o episode sa kanyang show ay kanyang nagagawa.

( Photo credit to Google )

Read more...