HUWAG kayong masyadong allergic pag binabanggit namin ang Meralco. Ha-hahaha! Hindi presyo ng nagtaas ng kuryente ang topic natin today kundi ang 2013 Metro Manila Film Festival awards night na gaganapin sa Meralco Theater tonight.
Walong pelikula ang maglalaban-laban sa most coveted trophies ng pagka-Best Picture, Best Actor, Best Actress, Best Director, Best Story, Best Screenplay, Best Supporting Actor and Actress, Best Cinematographer, Best Production Design, Best Theme Song, and many more, including the announcement of the Best Float nu’ng Parade of Stars last Dec. 22.
Sa pagka-Best Float, may feeling kaming no-win silang lahat sa float ng “Shoot To Kill: Boy Golden” starring Gov. ER Ejercito a.k.a. Jeorge Estregan and KC Concepcion under Viva Films and Scenema Concept International.
Sa mga awards naman later, siyempre di pa natin alam and we are hoping na manalo ang mga most deserving – at walang maganap na magic. Ha-hahaha!
Sa box-office returns kasi ay meron ng ibang amoy kaming nasagap kaya sure hit ang “My Little Bossings” dahil si Kris Aquino ang isa sa mga producers nito plus the fact na launching movie ito ng anak niyang si Bimby.
Kaloka, di ba? And amongst all films, sila ang merong pinakamaraming sinehan nationwide – ang “Pedro Calungsod” ay may 45 theaters, ang “Boy Golden” 50 plus theaters pero ang “My Little Bossings” has more than a 100 theaters kaya ano naman ang panama ng ibang kalaban, di ba?
“Di naman fair kailanman ang MMFF tuwing may entry si Kris Aquino, eh. Kasi nga, ginagapang nila yata pati mga sinehan. Kaya huwag na tayong magsintir nang magsintir dahil wala namang nangyayaring pagbabago sa sistema nila, eh.
Hangga’t nakaupo si P-Noy sa Malakanyang at active si Kris sa paggawa ng entry, wala nang pag-asang maungusan sila. Kasi nga, mga walang delicadeza, di ba?
“Ang nakakatawa pa, sa gitna ng mga puna sa pangulo ng bansa ay nakuha pa niyang manood sa first day showing ng pelikula ng pamangkin niyang si Bimby.
Kung nu’ng Yolanda tragedy sa Tacloban ay lalamya-lamya ang idol ninyong pangulo, aba’t on time daw ito sa screening ng ‘My Little Bossings’.
“Nakakalokang presidente, di ba? Puwede naman siyang manood ng special screening dahil presidente siya and it will be very easy for him to request for a copy para panoorin niya sa Malakanyang o sa bahay nila pero hindi, pumayag talaga siyang magamit sa promo ng pamangkin niya.
That’s how it is in the Philippines. Ibang klase talaga silang mag-anak! The best!” sarkastikong sabi ng isang friend namin.
“Hayaan na. Kahit anong dakdak natin ay wala naman tayong magagawa dahil hawak nila ang bansang ito.
Wait na lang tayo sa pagdating ng 2016 at sana’y matuto na nga tayong mamili ng mga dapat nating iluklok sa pamahalaan.
“Hindi yung isang presidenteng mas gusto pa niyang maglaro ng play station kaysa pumirma ng papeles sa opisina niya!?” dagdag pa nito.
Natawa ako sa nabanggit niyang mas gusto pa raw maglaro ng play station ni P-Noy kaysa magpipirma ng mga papeles sa Malakanyang. Ha-hahaha!
Anyway, after ng “Mismo” program pa namin sa DZMM ako makakahabol sa Meralco Theater, hindi para magbayad ng mahal na singil sa kuryente kundi para humabol sa awarding ng major awards.
Sana ay hindi pa tapos ang awarding pagdating ko. Pero dadalhin ko na rin ang electric bill ko para pag hindi man ako umabot ay magbabayad na lang ako ng kuryente para may magawa ako. Ha-hahaha!
Nanguna sa first day ng MMFF 2013 ang “My Little Bossings” (tayo raw kasi ang Boss ng pangulo. Ha-hahaha! Second ang “Girl Boy Bakla Tomboy”, ikatlo ang “Pagpag”, then ang “Kimmy Dora”, ikalima ang “Boy Golden”, 6th ang “10,000 Hours” at 7th ang “Pedro Calungsod”, at huli naman ang “Kaleidoscope World” na balitang na-pull out na sa ibang sinehan dahil hindi nga raw kumikita.
“Mababago pa naman ang standing niyan after ng awards night. Normal namang sumisipa sa takilya kahit paano ang nananalo ng major awards kasi curious ang mga tao sa mga winnable films.
But of course, mahirap nang tibagin ang kahit walang kuwentang films pero nakakauna sa takilya. “Pabayaan na lang natin sila, konting taon na lang ay wala na naman sila sa puwesto,” says another friend.