Bumigay sa txm8 (2) | Bandera

Bumigay sa txm8 (2)

Joseph Greenfield - December 27, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Geraldine  ng Sinacaban,
Misamis Occidental
Problema:
1.     Sa unang eyeball pa lang namim ng textmate ko, umibig agad ako sa kanya.  Hindi ko na siya pinahirapan at hindi na ako nagpatumpik-tumpik.  Pagkakain namin sa restaurant, nagtungo na kami sa tahimik na lugar.  Agad kong ibinigay sa kanya ang aking pagkababae.  Galit ang barkada ko at hindi ko rin alam kung bakit ganoon kabilis ang mga pangyayari.
2. Hindi ko alam kung may orasyon siya o gayuma.  Compatible ba kami?  Magkakatuluyan ba kami?  Ang birthday ko ay October 15, 1991  at September 15, 1990 ang birthday ng niya.  Hindi ko makalimutan ang nangyari at malapit na naman kaming magkikita. Soulmate ko na ba siya?  Magiging habambuhay ba ang aming pagsasama?
Umaasa,
Geraldine ng Sinacaban, Misamis
Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 1.) at Virgo naman ang lalaking textmate mo na naging boyfriend mo ang nagsasabing tugma at compatible kayo sa isa’t isa. Kung saan, dahil tugma at compatible kayo habang tumatagal, lalong iinit at magiging romantic ang inyong relasyon hanggang sa tuluyang mauwi sa pag-aasawa.
Numerology:
Ang mabuting balita, hindi lang kayo sa Astrology compatible o tugma, bagkus compatible at tugma din kayo sa Numerology, kung saan, ang birth date mo at ang sa boyfriend ay nagsasabing suwetong-suweto at magiging maligaya talaga ang inyong samahan.
Luscher Color Test:
Upang matiyak kung kayo na nga ang mag-soulmate kung sa unang araw ng inyong pagkikita ay naka-suot ng kulay puti polo o shirt ang boyfriend mo habang ikaw naman ay naka-pink or blue, sa ganyang palatandaan, walang duda, kayo na nga ang magka-soulmate at habambuhay na magsasama.
Huling payo at paalala:
Geraldine, ayon sa iyong kapalaran, kung tumutugon sa nasabing mga palatandaan sa itaas, ang kasalukuyan mong boyfriend, matuwa ka at magpasalamat dahil kung iyong ibang mga babae ay dumadanas muna ng mga kalungkutan at kasawian sa pag-ibig bago matagpuan ang soulmate, lubha kang mapalad, dahil sa edad mong 23 sa maagang edad tunay at ganap mo na ngang natagpuan ang iyong soulmate na sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, sigurado na ang magaganap – ang inyong samahan ay mamumunga ng maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending