Bumigay sa txm8 | Bandera

Bumigay sa txm8

Joseph Greenfield - December 26, 2013 - 01:41 PM

Sulat mula kay Geraldine ng Sinacaban, Misamis Occidental
Dear Sir Greenfield,
Sa unang eyeball pa lang namim ng textmate ko, umibig agad ako sa kanya. Hindi ko na siya pinahirapan at hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Pagkakain namin sa restaurant, nagtungo na kami sa tahimik na lugar. Agad kong ibinigay sa kanya ang aking pagkababae. Galit ang barkada ko at hindi ko rin alam kung bakit ganoon kabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung may orasyon siya o gayuma. Compatible ba kami? Magkakatuluyan ba kami? Ang birthday ko ay October 15, 1991 at September 15, 1990 ang birthday ng niya. Hindi ko makalimutan ang nangyari at malapit na naman kaming magkikita. Soulmate ko na ba siya? Magiging habambuhay ba ang aming pagsasama?
Umaasa,
Geraldine ng Sinacaban, Misamis Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Posibleng ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong soulmate, ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung siya ang una mong boyfriend at may nangyari na nga sa inyo pagkatapos ay lalong lumalalim ang inyong relasyon at lalo kayong napapamahal sa isa’t isa, walang duda, kayo na nga ang magka-soulmate at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Cartomancy:
Two of Hearts, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ang boyfriend mo ay medyo payat, na mas matangkad sa iyo, na neat o mahusay magdala ng damit, habang ikaw naman ay medyo chubby na maliit, tulad ng nasabi na, walang alinlangan — kayo na nga ang magka-soulmate.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending