Maricel ayaw padehado kay Vice Ganda, tinodo ang akting sa Girl Boy Bakla Tomboy


Here’s hoping hindi madehado si Maricel Soriano sa “Boy Girl Bakla Tomboy”. About to watch and review pa lang ang Viva Films and Star Cinema MMFF 2013 entry na “Boy Girl Bakla Tomboy” dahil kaabang-abang ang performance ng not just the star of the movie na si Vice Ganda kundi ang Diamond Star mismo na si Maricel na walang duda sa kaniyang husay bilang isa sa mga pinaka-accomplished na aktres sa bansa.

Ito ang kauna-unahang film collaboration niya kasama si Vice Ganda. Madaling napagsama ni Marya ang mga elemento ng drama and comedy sa kanyang pagganap ng role ni Pia na ina ng apat na karakter na ginagampanan ni Vice.

Ang involvement ni Maricel sa “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ay waring isang magandang panaginip na nagkatotoo para sa direktor ng pelikula na si Wenn Deramas na nauna nang nakatrabaho si Marya sa “Momzillas” ngayong taon.

Ganito rin kay Vice na kinukunsidera si Maricel  bilang isa sa kanyang mga idolo. Nagkakaisa sina Wenn at Vice at pati na rin ang ibang mga bituin sa pelikula sa pangunguna nina Joey Marquez at Ruffa Guttierez na isang bihirang oportunidad na makatrabaho si Maricel at hindi ito dapat palampasin.

Para naman kay Maricel, na consistent sa kanyang mga panalo bilang Best Festival Actress Awards sa mga nakaraang MMFF at isa rin sa iilan lamang mga aktres na may pinaka-maraming critically-acclaimed at box-office films na ginawa sa Star Cinema, siya ang tunay na pinagpala dahil naging bahagi siya ng “Girl, Boy, Bakla, Tomboy”.

That is why sana ay hindi nadehado sa screen time ang Diamond Star dahil admittedly she still has one of the biggest and most active fans. Rated PG ang movie and it opened nationwide yesterday.

( Photo credit to Google )

Read more...