James Yap nagmukhang kawawa habang pumaparada si Bimby sa MMFF 2013


MARAMI ang naawa, nakisimpatya at nalungkot sa ipinost na photo ni James Yap sa kanyang Instagram account.
Nasa isang hotel kasi si James when he spotted his son Bimby habang sakay ng float for the movie na entry sa Metro Manila Film Festival.

“After having lunch at diamond hotel, look who’s also here in the area…nice coincidence. Pls support my little bossings showing this dec 25,” ang nakasulat na caption sa photo na ipinost ni James.

Marami tuloy ang na-curious kung hindi na nagkikita sina James at Bimby, kung ‘yon ang sitwasyon nila ngayon.
Many took pity on James na nagkasya na lang na makita ang kanyang anak from a distance.

Nahabag sila sa basketball player dahil alam nilang miss na miss na nito ang kanyang anak. One guy asked, “do U even get to see #Bimby? Or get to spend #qualitytime with him #yourson only son #thejunior;) im just wondering & curious lang po. Ty.”

James attended a Christmas party for the kids of Hospicio de San Jose at ang dami niyang napasayang bata. With that ay lalo siguro niyang na-miss ang kanyang anak na si Bimby.

Also, merong pang ipinost na photo si James kung saan kasama niya ang mga drivers ng isang sosyal na condo. Talagang nakisaya siya sa munting salo-salo with them.

With that ay ipinakita ni James na masang-masa pa rin siya, na hindi siya nadala sa elite surrounding na minsan niyang naranasan sa piling ni Kris.

( Photo credit to Google )

Read more...