Sex video scandal, demandahan, hiwalayan, babuyan sa 2013

Unang Bahagi
NGAYONG taon nagbabalik ang mga sex video scandals; isang reyna ang nagbabalik ningning, isang reyna ang lumagapak sa lupa pagkatapos ng isang iskandalo; dalawang hari naman ang nawalan ng kaharian; dumami ang split up at ang dating civil war sa isang pamilya ng showbiz, naging world war sa dalawang pamilya at higit sa lahat, naghalo na naman ang showbiz at politics.
Ngunit sa 2013, isang good news ang nangibabaw sa lahat ng hindi kagandahang balita, isang koronang ipinatong ng mundo.

10. MARIAN RIVERA
Kung tutuusin, hindi naging maganda ang simula ng 2013 ng Primetime Queen ng GMA. Kasabayan ng isa pang talent ni Popoy Caritativo, kumalas si Marian sa Luminary Talents ni Popoy na siyang nag-discover at unang nag manage sa kanya.

Papatahimik pa lang ang buhay niya mula sa mala eskandalosong 2012 at ang pagpalit manager niya ay hindi naging magandang senyales sa simula.

Pero habang natatapos ang taon, bumabalik ang ningning ni Marian sa publiko. Nagsibalikan ang ilang ini-endorse niya tulad ng isang phone carrier, nadagdagan pa ng phone brand.

Kinasa na rin ang mga bago niyang endorsements para sa iang kape, isang lingerie line, isang perfume line at isa pang clothing line at simula pa lang ito para maibalik sa kanya sa trono ng isa sa mga endorsement queens ng showbiz as she is now number fourteen sa most trusted female celebry product endorsers according to StarPolls 2013.

Ngayon din unang pumayag si Marian na mag-FHM and by the time natapos ang survey for this year’s Sexiest Woman of 2013, nasungkit ulit ni Marian ang kaniyang ikalawang Sexiest award, still the only actress na nag-number one noon kahit hindi pa nagku-cover sa nasabing magazine.

Sa mga awards naman, nanalong Best Lead Actress si Marian sa PMPC para sa kaniyang Temptation of Wife at first time din siyang na nominate sa Asian TV Award for the same show and category.

Nabigyan din siya ng Anak TV seal this year at siya ang nanalo bilang Foreign Artist of the Year na ginawa ng Today TV and SNTV ng Vietnam.

Pagkatapos mag-renew ng contract sa GMA at na formalize ang Primetime Queen tag, magbabalik si Marian sa primetime TV via Carmela next year in another original heavy drama soap together with Alden Richards and Raymond Bagatsing.

Gaano pinag-usapan nitong 2013 si Marian? Sa Yahoo Philippines top celebrity searches of 2013, siya ang naging number two sa ranking of most searched.

9. RICHARD  GUTIERREZ and WILLIE  REVILLAME
Parehong kinikilalang hari sina Richard at Willie sa respective networks nila. Napakatagal nilang inupuan ang kanilang mga trono; si Richard almost 11 years sa GMA at si Willie three full years sa TV5 kaya kapag binanggit ang pangalan nila sa isang write-up, siguradong maisusulat din ang pagiging hari nila.

Si Richard ang una at nag-iisang Primetime King noon ng Kapuso network ng bumulusok sa kalawakan ng ratings ang kaniyang solo launching show na Mulawin opposite Angel Locsin na lumipad na rin sa GMA at ang bagong lipat naman from ABS na si Dennis Trillo.

Ang Mulawin ang unang primetime soap na nagpataob sa ABS as far as rating is concerned pati ang katapat nitong sirena na si Marina, naging tutubi rin para magkaroon ng pakpak remember?

Pero nagsunud-sunod ang hindi magandang balita kay Richard involving himself, his girlfriend Sarah Lahbati and his family headed by his mother Annabelle Rama.

Mula sa pagiging most powerful family sa GMA, lumabo ang estado ng mga alaga ni Tita Annabelle at most affected si Richard. Sino ba naman ang mag-aakalang after 11 years ay wala nang renewal of contract ang Kapuso network sa kanilang primetime king?

Sa Kapatid network naman, ang contract deal ni Willie ay ang nanatiling pinakamalaking kontrata sa kahit sinong artista. Kung ang iba ay nakakakuha ng billion contract deal for five years, almost a billion pesos din ang contract ni Willie sa TV5 pero that’s just for one year.

Part of his contract ay ang pagiging co-producer niya ng kanyang TV show (una ang Willing Wilie na naging Wil Time Big Time at panghuli ang Wowowillie) at kahati pa sa lahat ng papasok na endorsements kaya sa loob ng tatlong taon, dalawang eroplano, kung ilang yate at ang nag-iisang Rolls Royce sa bansa ang naipon niya.

Kaso, tulad ng ibang shows niya noon pa man sa ABS at ang una sa TV5 na, palagi siyang nasususpindi na kadalasan ay hindi niya naman gawa. Still the highest paid Philippine celebrity, tila wala nang makapagbayad ng ganitong kalaking halaga para sa isang tao lang kaya nang nag-expire ang contract niya sa TV5, the king is left without out.

Magbabalik sa TV si Richard sa 2014 pero sa isang cable network muna samantalang si Willie, palaisipan pa kung magbabalik Kapamilya, mananatiling Kapatid o susubok maging Kapuso.

8. SARAH LAHBATI

Tila isa lang ang naging pagkakamali ng panglimang Ultimate Female Survivor ng Starstruck, ang ma-in love sa hari ng kaniyang network at ayon na rin sa kasabihan, o pag-ibig, hahamakin ang lahat masunod ka lamang kaya ito ang ginawa ni Sarah – ultimong ang network niya, kinalaban.

Sure winner noon ang half Swiss na si Sarah ng lumaban sa Starstruck V. With a statuesque height, konting lalaki lang ng Kapuso network ang puwedeng itambal sa kanya at isa na nga rito ay si Richard Gutierrez kaya sinubok sila sa isang primetime show na Makapiling Kang Muli.

Napaka-ironic na hindi naman talaga si Sarah ang magiging partner ni Richard sa soap kundi si Carla Abellana pero sa likod ng kamera, sila ang nagkatuluyan.

Bago matapos ang kanilang show, naging sila na, nabigyan ng isang pelikula na  “Seduction”  at ginawang bida sa susunod na show na Indio. Stuff from fairy tale ang pagiibigan nina Sarah at Richard at tulad ng mga fairy tales, maraming naging kalaban. Pero sino ang bida at sino ang kontrabida sa naging issue?

Umiinit noon ang labanang Annabelle Rama and talents at ng GMA. Naipit si Sarah nang bigla itong hindi nag-taping sa isang climactic scene ng Indio kung saan bilang diyosa ay kailangang mag-harness.

Dito nagsimula ang tsismis, may dinadala na ba si Sarah sa kanyang sinapupunan? Hindi sumagot si Sarah ng diretso pero lumipad agad siya sa Switzerland, ayaw na raw niyang mag-artista.

Dinemanda siya ng breach of contract ng GMA at kinasuhan niya naman ang GMA at isang manunulat pati ang president ng GMA Films na si Annette Gozon Abrogar.

Kapag kinalaban mo ang sarili mong network, alam mo na ang magiging kasunod dahil mula sa isa sa pinakamainit na artista ng GMA, naging frozen delight si Sarah.

Tulad ng kaniyang boyfriend na si Richard, wala na ring network si Sarah at hindi rin natin alam kung magbabalik pa ito sa Kapuso.

May isa pang katanungan sa kanya na malamang ay masagot sa 2014, tunay bang nagkaanak sila ni Richard at pinangalanang Zion Gutierrez?

(May karugtong bukas)

Read more...