CBCP tutol sa Halloween party

HINDI pabor ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga Halloween parties at iba pang katatakutan tuwing Undas dahil lihis daw ito sa sagradong paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace, isang paganong gawi ang pagsasaya tuwing Oktubre 31.

Mali rin, dagdag ni Pabillo, na iugnay ang mga kaluluwa sa mga aswang at multo.

Sa panayam kay Pabillo sa radyo, iginiit nito na sa halip na paglaruan ng tao ang paggunita para sa mga yumaong mahal sa buhay ay dapat alayan ang mga ito ng panalangin.

“Kasi hindi naman ‘yang mga aswang ang ginugunita natin kundi ang ating mga mahal sa buhay kaya wag  nating paglaruan o ihambing sa ganyang mga paniniwala,” giit niya.

(Ed: Mayeaksyon ka ba?  I-post na.  Isulat lamang ang pangalan, edad, lugar, at inyong mensahe)

Read more...