Hindi uso kay Kris ang network war, gagawin lahat para kay Bimby


Kris Aquino showed what celebrity power is all about. The Queen of Talk guested on Eat Bulaga last weekend at talagang naloka ang mga nakakita sa kanya.

Kung ang ibang Kapamilya actors ay nahihirapang mag-guest sa number one noontime show ng Siyete ay hindi si Kris. Talagang effortless ang hitad sa pagkuha ng permiso sa mga bossing ng Dos para maka-appear sa shows ng Siyete.

Naloka lang kami dahil hindi simpleng guesting lang ang ginawa ni Kris, naglaro pa siya ng Pinoy Henyo kaya babad na babad siya sa stage.

And since sila ni Vic ang may chance na maglaro sa jackpot round ay inakala ng marami na game pa rin si Kris. Pero nagkamali sila. Bigla kasing tumili ito ng “ayoko na”.

Siyempre, mapipilit mo ba ang isang Kris Aquino kapag sinabi niyang ayaw na niya? Hindi, ‘no! Ayun, si Aling Maliit na lang ang pumalit sa puwesto niya.

Nag-guest din si Kris sa show ni Ryzza Mae Dizon at sa sitcom ni Vic. Ang lahat ng ito ay para sa entry nila sa Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Bimby.

Ibang klase rin talaga si Kris, ‘no? Hindi uso sa kanya ang network wars! Kung ang iba ay nahihirapang umapir sa Siyete, si Kris ay talaga namang effortless.

Aware si Kristeta na malakas ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” entry ni Vice Ganda kaya ganoon na lang siya kapursigido na mag-promote  ng movie nila ni Vic, Bimby at Ryzza Mae.

Siyempre, ayaw naman niyang matalo ang first movie ng kanyang anak sa takilya.

( Photo credit to Google )

Read more...