Sorry na lang KC, Anne, Sarah, si Jessy na ang bagong Dyesebel


Napakasuwerte naman talaga nitong si Jessy Mendiola. That is, kung true nga na siya ang gaganap na Dyesebel. Much-coveted ang role and it’s everyone’s dream na sumisid bilang sirena.

Among the local heroines kasi ay ang Dyesebel ang isa sa pinakasikat na TV characters. May nakapagsabi sa aming si Jessy na ang napili ng Dos para gumanap sa pinakasikat na sirena  sa bansa.

Magsisimula raw mag-taping anytime soon. Magtatapos na raw kasi ang kanyang soap na adaptation ng Mexicanovela na pinasikat ni Thalia. Hindi raw kasi ito masyadong nagre-rate.

Actually, tatlong soap opera lang pala ang talagang nagre-rate ngayon sa Dos, ang kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang kina Jodi Sta. Maria at Richard Yap at ang series ni Paulo Avelino.

Siguradong marami na namang maiinggit kay Jessy kung siya nga ang lalangoy bilang pinakabagong sirena sa telebisyon. Nakapagtataka lang, bakit tila ang lakas-lakas ni Jessy sa management?

What has she done to deserve all the big break, eh, astang starlet to a pine tree proportion pa rin naman siya until now? Well, just asking!

( Photo credit to Google )

Read more...