Pauleen nanggalaiti sa galit nang sabihing mukhang bakla, gumanti sa ‘BABOY’ na basher


PINATULAN ni Pauleen Luna ang isa niyang follower sa Instagram na nag-comment na mukha siyang bakla. Na-hurt nang husto siguro si Pauleen sa pambabastos sa kanya kaya namang talagang nag-react siya nang husto.

Nag-post kasi ang dalaga ng photo niya while holding a cupcake na bigay ng isang kaibigan. Since nag-post siya, marami ang nag-comment, pero nag-standout ang isang babae na nagsabing mukha siyang beki.

“Hiyang-hiya naman ako sa mukhang bakla mo te,” came Pauleen’s reply  to the follower’s pang-ookray. Hindi doon natapos ang paghihiganti ni Pauleen sa kanyang basher. She even posted a collage of her basher’s photo.

Actually, kung kami si Pauleen ay nilait na rin namin ang follower niyang ito. Since sinabihan siyang mukhang bakla, sana ay sinabihan rin niya itong mukhang baboy dahil may katabaan naman ito at mukha talagang napabayaan sa kusina.

Sana’y ganoon ang ginawa niya para quits sila. Merong nag-defend sa ginawa ni Pauleen, “Pag pinatulan ang bad comment nyo PATOLA naman agad??? dapat naman kasi pinapatulan na talaga yung iba..tulad ng isang yan kala mo ang ganda!”

“Hahaha! I don’t like Pauline pero nakakatawa ginawa nya. Minsan kailangan din talaga patulan ang mga haters na akala mo kung sino,” sabi naman ng isa pa.

“Ha..ha..buti nga sa commenter na yan, pahiya ka ngaun noh. kung makapintas kasi wagas.akala mo napakaganda,”  panlalait  naman ng isa pa.

Still on Pauleen, na-sight namin sa isang website ang sweet photos nila ni Vic Sotto. Nagliwaliw ang dalawa sa ibang bansa at parang sila lang dahil silang dalawa lang ang nasa photos na aming nakita.

So, hindi na itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon ngayon. Umamin na si Vic sa show ni Kris Aquino na si Pauleen ang dyowa niya.

( Photo credit to Google )

Read more...