KC walang kaarte-arte sa katawan, hindi mareklamo kahit pahirapan


MAAGA pa lang ay nasa One Esplanade na kami sa SM Mall of Asia para sumama sa 2013 Metro Manila Film Festival Parade of Stars sakay ng napakagandang float ng “Shoot To Kill: Boy Golden” ng Scenema Concept International and Viva Films starring no less but Laguna Gov. ER Ejercito a.k.a. Jeorge Estregan with KC Concepcion as his leading lady.

Dumating din ang ibang stars ng film like Tonton Gutierrez, John Estrada, Jhong Hilario and Dick Israel (he was in clutches) para maghagis ng t-shirts, posters, candies, caps sa mga tao sa kalye mula One Esplanade hanggang Luneta Grandstand. In full golden costume si Gov. ER while KC was in a dashing red gown na super-sexy.

“Okay ba tito ang make-up ko? Ako lang kasi ang gumawa eh,” malambing na tanong ni KC.  Of course! She was indeed so pretty – very charming and sweet ang look ni KC.

As always naman ay very nice si KC to everyone – be it sa mga taga-media or ordinary people. Napakabait at napakasipag na bata. Wala kang maririnig na reklamo kahit napakataas na ng status bilang artista.

And take note, “Boy Golden’s” float was the best amongst them all. Ang harapan ay designed ng malaking Cadillac that was very period ang dating. Sa loob ay nandoon ang magagandang belles in their sexy outfits – parang mga dancers ni Bella Dimayuga ang outfit nila.

Niteclub na niteclub ang ambiance. Ganda talaga. Pag hindi pa ito nanalong Best Float, manggigiyera na talaga kami. Ha-hahaha! Super-ganda kasi.

“Ginastusan talaga namin ang float. Sayang naman kasi kung pangit ang float eh napakaganda ng pelikula natin. Kumbaga over the top ang pagkagawa ni direk Chito Roño. Ibang klase ang husay ni Direk Chito sa pagdirek nito.

Hindi namin akalaing ganito kaganda ang kinalabasan ng pelikula. We are very proud of ‘Boy Golden’.  “Sana we’d hit the box-office at makakuha ng mas maraming awards kaysa sa last two films namin (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story two years ago and last year’s El Presidente).

Let’s pray na maging fair ang labanan,” ani Gov. ER na kakambal na yata ang kontrobersiya dahil tuwing meron siyang MMFF entry ay palaging napag-iinitan.

This time ay maging patas naman sana sila. Kasi nakakapagod na ang magpaapi na lang palagi. Ha-hahaha! Para sa amin, ang far second for Best Float ay ang “Pedro Calungsod” entry.

At least merong effort. Napansin din namin na medyo malungkot nang konti ang parada unlike the past years. Dala na rin siguro ng malaking paghirap ng bansa sa dami ng dumaang sakuna.

Ang bulk lang ng tao ay sa One Esplanade at Luneta na hindi pa rin gaano compared to the past years and yung kahabaan ng Roxas Boulevard ay manipis din ang audience.

Napansin din naming hindi na gaanong pinagkaguluhan si Robin Padilla ng mga tao – ang pelikula kasi nilang “10,000 Hours” ang last float pero wala kaming masyadong napansing tili kay Robin. Is his time really gone?

Anyway, good luck na lang sa lahat ng entries. Sana tumabo lahat ng entries sa takilya. Sana.

( Photo credit to Google )

Read more...