Luisita sakmal ng tensyon

SUMIKLAB ang tensyon sa Hacienda Luisita sa Tarlac nang arestuhin ang walong magsasaka kaugnay na nililinis na bukirin.
Ayon sa pahayag ng unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), walong residente ng Barangay Balete at Asturias sa Hacienda Luisita ang hinatak ng mga pulis nang komprontahin ang mga guwardiya ng Tarlac Development Corp. (TADECO) noong Sabado ng hapon.

Sinabi ng UMA na iniutos ng TADECO ang paghahawan sa mga lupa na ipinamahagi na sa mga magsasaka. “During the confrontation, security guards of TADECO told the farm workers that they will continue bulldozing the land…which TADECO is now claiming to be theirs,” anang pahayag ng UMA.

Iginiit ng mga magsasaka na ang bukirin ay sakop ng land reform program ng Department of Agrarian Reform.  Pero, hindi umano ito pinakinggan ng mga pulis at guwardiya at itinuloy ang paghahawan sa palayan ng pamilya ni Melchor Ramos.

Ayon sa UMA, hinuli ang mga pumigil sa paghahawan.  Kabilang sa mga hinuli ay kinilalang sina Rod Acosta, Eufemia Acosta, Ronald Sakay, Jose Baldiviano, Elsa Baldiviano, Manuel Mandigma, Mamerto Mandigma at Vicente Sambo.

Sinabi ng UMA na hinahawan ng TADECO ang mga palayan sa Barangay Balete simula pa noong Dis. 12, “the same day DAE issued a Notice of Coverage declaring that the particular 358-hectare disputed land is in fact part of the Hacienda Luisita agricultural estate that must be subjected to land reform.”

Ayon sa UMA, ang mga hinuli ay dinala sa  provincial police headquarters sa Tarlac City.  Nakontak ng  INQUIRER.net ang Tarlac City Police Station pero di pa nito natatanggap ang verified report sa pagkakaaresto sa mga magsasaka. Ayon sa isang opisyal ng pulisya, patuloy ang komnprontasyon sa Balete.

Read more...