Claudine nakatikim na naman ng matinding ‘SAMPAL’ kay Gretchen; Raymart, Barretto sisters nagpa-party


Ang hiling ng mas nakararami nating kababayan na sana’y maging maligaya ang Pasko ng pamilya Barretto ay hindi naganap. Dalawang tulog na lang at Pasko na, pero mas malala pa kesa sa dati ang mga nangyayari ngayon dahil talagang nadamay na sa matinding usapin ang kanilang mga magulang.

Sa pag-upo ni Gretchen Barretto bilang witness ni Raymart Santiago ay nagbigay ng rebelasyon ang aktres na diumano’y nagalit si Daddy Mike nang malaman nitong sa patagilid na paraan ay kakampihan niya ang mister ni Claudine bilang witness.

Hindi maganda ang dating ng kanyang sinabi na papatayin sila ni Marjorie ng kanilang ama at babarilin naman si Jay-Jay, ang kanilang kapatid na nu’n pa ay kakampi na niya laban sa kanilang bunsong kapatid, pinabulaanan ng kanilang ama ang mga sinabi ni Gretchen.

At ang pinakamasakit pa, kinagabihan ay may ginanap na party, ipinost ni Gretchen ang pagkakasiyahan nilang magkakapatid, nandu’n si Raymart sa party, isang napakalaking sampal nu’n kay Claudine.

Du’n pa lang ay mararamdaman na agad ni Claudine na nagkakaisa ang kanyang mister at mga kapatid laban sa kanya, wala nang kakampi ang bunsong Barretto kundi ang kanyang mga magulang, napakasakit nu’n para sa misis ni Raymart.

Pero walang nagawa si Claudine, mukhang sa opinyon ng kanyang mga kapatid ay wala ito sa tamang lugar, hindi naman siguro kakampi kay Raymart na bayaw lang nila ang magkakapatid na Barretto kung nasa tamang katwiran si Claudine.

Siguradong makakakuha ng simpatya ngayon si Claudine dahil sa pagsasama-sama ng kanyang mga kapatid, maraming maaawa sa kanya, pero hindi naman kasi simpatya at pagkaawa ang makareresolba sa problema nila ngayon ni Raymart Santiago.

Husgado pa rin ang huhusga sa kanilang laban.

( Photo credit to Google )

Read more...