Toni napasigaw ng ‘YEHEY!’ nang sumabog ang sampalan scandal nina Anne at John Lloyd

Sa nakaraang presscon ng bagong sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home ay inamin ni Toni Gonzaga na nami-miss niya ang The Buzz.

“Yes and no. Yes, I miss the family, I miss Tito Boy (Abunda), I miss learning from him, the wisdom, tapos I miss the camaraderie behind the scene.

“Actually, ang talk show talaga, behind the scene. Backstage talaga ang talk show. Doon talaga ang real issue at saka controversies. Doon talaga nalalaman namin lahat. Nami-miss ko ‘yung first hand information sa akin.

“And no naman, because my life now is so peaceful. Na parang pag may issue, ay dedma ako, none of my business, wala na akong pakialam. Pag may humingi ng opinyon ko, quiet ako,” kuwento ng singer-actress-TV host.

At napa-yehey nga raw ang dalaga nang lumabas ang balitang sinampal ni Anne Curtis si John Lloyd Cruz, “Sabi ko, ‘Yehey! Tapos na ako diyan.”

“Kasi, hindi na ako nagda-The Buzz, so parang finally, I can really say na when something happens, when there’s controversy, it’s really none of my business kasi it’s not my job anymore to talk about it.

So, there are some questions na tinatanong sa akin tungkol diyan but I’d rather not talk about it coz I’m not really involved, I’ve got nothing to do, so ayoko siyang pag-usapan,” paliwanag mabuti ng dalaga.

At maski raw magkasama sila parati ng aktor sa set ng Home Sweetie Home ay hindi nila ito pinag-usapan at hindi rin siya nagtanong, “Actually, nang lumabas ‘yun, the next day yata magkasama ata kami, hindi namin pinag-usapan,” kuwento ni Toni.

At kahit daw noong kasagsagan ng isyu ay hindi niya nakitang naapektuhan ang aktor dahil tuluy-tuloy ang taping nila at on time pa kung dumating sa set.

( Phtoo credit to Google )

Read more...