Raquel Pempengco ibinenta ang bahay na iniregalo ni Charice


TIYAK na ikinawindang ni Charice ang mga pasabog ng kanyang inang si Raquel Pempengco sa Showbiz Police ng TV5 noong Sabado ng gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang pagiging tomboy ng anak at ang pakikipagrelasyon kay Alyssa Quijano.

Sa unang pahayag pa lang ng ina ni Charice, ibinulalas na nito ang sama ng loob niya sa anak, “Nalulungkot siyempre, lalo na’t nasanay ako na nasa tabi niya, nasanay ako sa pangako niya na siya’y magiging gabay ko pagdating sa katandaan ko.

Pero, hindi pala talaga lahat ng pangako ay matutupad.” “Masakit, pero alam ko talagang mangyayari yun, ini-expect ko na rin yun, pero hindi ko ini-expect na ganito kasakit ang mangyayari sa akin,” sey pa nito.

Sa isang bahagi ng panayam ng Showbiz Police, natanong ang tungkol sa pera ni Charice, sinasabing inuubos niya raw ang yaman ng kanyang anak, “Pagdating sa pera ni Charice, wala akong idea, kasi hawak niya yun e.

“Hindi ko na alam mula nang 2010 kung magkano pa ang laman ng pera niya sa bangko. Hindi ako ang may hawak dahil si Charice may sariling business account sa America. Diretso sa account niya,” sabi pa nito sa Showbiz Police.

Pero inamin nitong totoo na ibinenta na niya ang bahay na iniregalo sa kanya ng anak, “Kailangan e. Kailangan ko ng pagkakakitaan as soon as possible, dahil kung hihintayin ko pa ang taon, nakatunganga ako.”

Sa lumabas namang balita na diumano’y nagtangkang magpakamatay si Charice, “Hindi, hindi ako naniniwala. Kilala ko si Charice. Kahit na medyo may gap kami, alam ko naman ang kapasidad ng kanyang lakas at pag-iisip.

Hindi totoong naglaslas si Charice.”Narito naman ang mensahe niya sa anak, “Katahimikan. Kung siya’y masaya na sa piling ni Alyssa (Quijano), huwag niya nang banggitin pa ang pangalan ko.”

Inaasahan ng lahat na magsasalita rin si Charice tungkol sa mga bagong pahayag ng kanyang ina, pero may mga nagpapayo sa international singer, kabilang na ang mga followers niya sa Twitter, na manahimik na lang at huwag nang patulan ang kanyang nanay para hindi na lumaki pa ang issue.

Huwag daw sanang tumulad si Charice sa mga magkakapatid na Barretto na walang respeto sa kanilang mga magulang. Baka kapag pinatulan pa raw ni Charice si Raquel ay baka makarma lang siya at biglang mawala ang lahat ng blessings na tinatamasa niya ngayon.

( Photo credit to Google )

Read more...