Bakit ba ang lakas ng Vietnam sa DA?

EVERY government transaction, whatever nature, whatever scale or scope must uphold and protect the interest of the public at all times. Sana totoo, ano? Bobolahin pa ba natin ang ating mga sarili? Natuon ang pansin ng lahat sa PDAF at DAP, pero nalimutan natin na bantayan ang ibang transaksiyon ng gobyerno.

Tungkol dito ang ibabahagi ko at hindi ito kwentong barbero. Iba ito sa nauna nang isinusulong na kasong plunder laban sa matataaas na opisyal ng Department of Agriculture at National Food Authority.

Noong taong 2011, ang Pilipinas at Thailand ay pumasok sa isang kasunduan. Ito ay ang pag-import ng Pinas sa Thailand ng white rice. Government to government ito, at bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Walang middleman, walang importer, walang broker.  Ibig sabihin, mas makakatipid ang Pinas. SANA! Malinaw na garantiya iyon ng Memorandum of Agreement na nilagdaan noong Hunyo, 2011.

Sa hawak kong dokumento, signatory sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Minister Pornitiva Nakasai ng Ministry of Commerce ng Thailand. Noong 2011 pa ang kasunduan.

Pero ang tanong ay kung nagamit ba naman ang G to G sa importasyon ng bigas? Ang sagot, SANA, kaso hindi pa rin. Naka ilang ulit nang nag-import ng bigas ang National Food Authority na nasa ilalim ng DA ngunit walang nagmula sa Thailand.
Vietnam ang source ng NFA rice, kabilang na rito ang importasyon sa unang bahagi din ng taong ito na subject ng plunder charge na isinusulong ni Atty. Argee Guevarra.

May kuwestiyon na sa importasyon sa Vietnam na nauna, Vietnam pa rin ang pagmumulan ng importasyon sa pagtatapos ng taong 2013.

One wonders, asan na yung G to G with Thailand?  Una nang nagtakda ng bidding sa rice importation bilang bahagi ng pagpapatatag ng suplay ng bigas sa bansa lalo na dahil sa pinsala ng nagdaang bagyong Yolanda.

Kasama sa bidding ang Thailand kahit wala sa agreement na lalahok sila sa bidding, kasi may G to G na nga. Pero submit pa rin ang Thailand bilang bahagi ng paggalang sa proseso ng transparency sa procurement ng ahensiya.

So, ask ninyo ako kung saan nagmula ang second bid. Ah, dalawa lang sila.Galing Vietnam nga. Now hulaan ninyo, alin sa dalawa ang nanalo sa bidding? E, di Vietnam.

Read more...