Trabaho sa abroad (2) | Bandera

Trabaho sa abroad (2)

Joseph Greenfield - December 22, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Dina, ng Almagro, Samar
Problema:
1.      College graduate ako, pero hanggang ngayon ay tambay at walang trabaho dito sa Calbayog City.  Hindi naman ako tumitigil sa kahahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa mga magulang ko.  Malaki na ang nagagasta nila sa akin, pati na ang aking pag-aaral sa kolehiyo.  Hanggang ngayon ay hindi pa ako naapagbibigay ng pera sa kanila.  Ako’y masipag pero bakit hindi pa rin nagkakaroon ng trabaho? Kailan ba ako magkakaroon ng trabaho?
2. Ang sabi ng nanay ko, kontakin ko raw ang pinsan ko na nasa Hong Kong baka raw ako matulungan.  Kaya lang, hindi trabaho sa pinag-aralan ko ang naghihintay doon. Sir Greenfield ano po ba ang nakikita ninyo sa aking kapalaran?  Kailan  ako magkakaroon ng trabaho at  kung magkakaroon ako ng trabaho sa abroad po kaya o dito lang din sa ating bansa? May 13, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Dina, ng Almagro, Samar
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang Virgo, makapag-aabroad ka. Kaya nga kung ang pinsan mong nasa Malaysia ay isinilang sa zodiac sign na Virgo, tulad ng nasabi na, tutulungan ka nya upang makapangibang bansa.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing may malaking suwerteng naghihintay sa iyo sa susunod na taon.  Simula ngayon, pagkalipas ng walong buwan, bababa ang oportunidad sa iyo at iyan ay para sa pagbuti ng iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang magtuluy-tuloy ang suwerte at positibong kapalaran, lagi kang magsuot ng kulay na pula at asul. Kapag suot mong lagi ang pula at asul, mas madali kang makapag-aabroad.
Huling payo at paalala:
Dina, kaya pala hindi ka matanggap-tanggap sa trabaho sa ating bansa, kahit na gaanong sipag pa ang gawin mo, lumalabas ayon sa iyong kapalaran, wala rito sa ating bansa ang iyong suwerte, bagkus ay nasa abroad. Kaya pagkatapos na pagkatapos mong basahin ang kasagutang ito, kontakin mo na ang iyong pinsan na nasa Malaysia, tiyak na matutulungan ka niya.  Malaking suwerte at pag-unlad ang darating sa iyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending