Kris ‘panalo’ bilang UN ambassador —Palasyo

Ni Bella Cariaso
PORMAL nang tinanggap ni Kris Aquino ang alok na maging Ambassador of Goodwill ng United Nations High Commission for Refugees (UNHCR) sa Asia.

Natuwa naman ang Palasyo sa desisyon ng bunsong kapatid ni Pangulong Aquino.
Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kampante ang Malacanang na magagampanan ni Kris ang kanyang tungkulin.

“Kami ay sigurado that she will do her best to discharge the functions. Tutulong si Kris doon sa mga missions sa UN,” sabi ni Valte.

Idinagdag ni Valte na may mga pagkakataon na naipakita ni Kris ang pagtulong sa mga nangangailangan.

“Si Kris naman, when she puts her mind to something… katulad noong tumulong siya sa DOH doon sa campaign against dengue tumulong siya doon sa information dissemination. When she puts her heart and mind into it, we are confident that she can ably help them,” dagdag niya.

Kahilera na ni Kris ang Hollywood aktres na si Angelina Jolie na siya namang Ambassador of Goodwill ng UNHCR sa US.

Read more...