Ang mga abusadong Binay | Bandera

Ang mga abusadong Binay

Ramon Tulfo - December 21, 2013 - 03:15 PM

ANG Punongkahoy na mangga ay hindi nagbubunga ng santol.

Huwag na tayong magtaka kung abusado si Makati Mayor Junjun Binay at ang kanyang kapatid na si Sen. Nancy Binay sa pakikitungo sa mga guwardiya ng Dasmarinas Village.

Pinaaresto ng magkapatid ang tatlong guwardiya ng nasabing village matapos silang di paraanin sa gate na sarado na.

Noong 1986, nang ang kanilang tatay na si Jejomar Binay ay officer-in-charge ng Makati, pinasara nito ang clubhouse ng YMCA (Young Men’s Christain Association) matapos di pahintulutan ang kanyang mga anak na lumangoy sa swimming pool dahil walang kasamang member ang mga ito.

Saksi ako sa pagiging abusado ng matandang Binay dahil di ko magamit ang club gym bilang member dahil pinasara niya ang clubhouse.

Nabuksan lamang ang clubhouse matapos magmakaawa ang mga may-ari nito kay Jejomar Binay.

Pinaaresto nina Junjun at Nancy Binay ang mga pobreng guards at kinulong ng mga apat na oras.

Bakit naman nila pinaaresto at pinakulong ang mga guwardiya na gumagawa lang ng kanilang tungkulin?

Sinasabi ng rules ng Dasmarinas Village Association na walang “VIP policy” ang village. Lahat ay dapat tumupad nito.

Ang tingin ng mga Binay hindi sila VIP o very important persons, sila’y mga diyos ng Makati at kailangan silang sambahin.

Nagsisinungaling pa ang mga tinamaan ng kulog.

Hindi naman daw nakulong ang mga sekyu na pumigil sa kanila.

“Contrary to the report, no arrests were made, and the mayor did not order any arrest,” ayon kay Joey Salgado, tagapagsalita ni Mayor Binay.

Dagdag pa ni Salgado: “The guards volunteered to go with the police.”

Sino namang guwardiya ang di sasama kung “iniimbita” sila sa istasyon ng pulisya?

Kapag ang pulis ang nag-imbita sa iyo, ito’y aresto na rin. Kapag di ka sumama, mapapasama ka.
Ginagago naman tayo ng mga Binay.

Kitang-kita sa video na kumasa ang isang bodyguards ng mga Binay ng kanyang baril, at ang isa naman ay may hawak na Armalite.

Anong sinasabi nila na pinalaki ng INQUIRER, sister publication ng Bandera, ang insidente samantalang kitang-kita ang lahat sa video?

Bakit na lang di aminin ng magkapatid na sila’y nagkasala at humingi ng patawad?

Tingnan mo itong si Senator Nancy, minaliit pa ang report ng INQUIRER.

Marami raw “glaring biases and bends” ang istorya ng INQUIRER.

Ang insidente sa Dasmarinas Village ay nangyari mga tatlong linggo na ang nakararaan at nakalimutan na nga raw nila iyon.
Hoy, boba! Bakit makakalimutan ng publiko ang insidente ng pang-aabuso ninyong dalawang magkapatid?

Ano’ng tingin n’yo sa taumbayan, mga tanga na gaya mo na kakalimutan ang isang insidente na nagpapakita ng tunay ninyong pagkatao?

Dapat ay ulit-ulitin ang pagpapakita ng video sa buong sambayanan upang malaman nila ang kanilang pagkakamali sa pagboto sa iyo, Nancy.
Wala ka na ngang alam, abusado ka pa!

Si Nancy, dear readers, ay pinakabobo sa magkakapatid na Binay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya lang siya pinilit na pinatakbo ng kanyang tatay dahil wala siyang ginagawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending