Trabaho sa abroad | Bandera

Trabaho sa abroad

Joseph Greenfield - December 21, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Dina, ng Almagro, Samar
Dear Sir Greenfield,
College graduate ako, pero hanggang ngayon ay tambay at walang trabaho dito sa Calbayog City.  Hindi naman ako tumitigil sa kahahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa mga magulang ko.  Malaki na ang nagagasta nila sa akin, pati na ang aking pag-aaral sa kolehiyo.  Hanggang ngayon ay hindi pa ako naapagbibigay ng pera sa kanila.  Ako’y masipag pero bakit hindi pa rin nagkakaroon ng trabaho? Kailan ba ako magkakaroon ng trabaho?  Ang sabi ng nanay ko, kontakin ko raw ang pinsan ko na nasa Hong Kong baka raw ako matulungan.  Kaya lang, hindi trabaho sa pinag-aralan ko ang naghihintay doon. Sir Greenfield ano po ba ang nakikita ninyo sa aking kapalaran?  Kailan  ako magkakaroon ng trabaho at  kung magkakaroon ako ng trabaho sa abroad po kaya o dito lang din sa ating bansa? May 13, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Dina, ng Almagro, Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“Hindi ka rito sa ating bansa magkakaroon ng maganda at regular na trabaho kundi sa ibang bansa.” Ito ang nais sabihin ng malinaw, malawak at magandang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalara, sa ayaw at sa gusto mo, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa tulong ng iyong pinsan.
Cartomancy:
Five of Clubs, Queen of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, dili’t iba kundi ang iyong pinsan na nasa Singapore, tiyak ang magaganap, pagkalipas ng walong buwan, may mabiyaya at mabungang paga-abroad na magaganap.
Itutuloy….     

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending