HOROSCOPE, December 21, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Wag magtanim ng galit sa kapwa lalo na at magpapasko pa naman. Ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyong Leo, tutal nangako naman siyang magbabago. Mapalad ang 5, 17, 23, 26,  31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Gray at yellow ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat argabyaduhin ang mga maliit. Sa pinansyal at pamomolitika, lumaban ka ng patas. Sa pag-ibig, panay ang awat sayo ng kasuyo, pero ang totoo – gustong-gusto naman talaga nya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin. Kapag in love ka, ganon din ang mangyayari, maraming suwerteng darating. Dahil Venus ang iyong ruling planet, tandaang, bawal magalit at bawal din ang pangit. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Mahihirapan kang magdesisyon! Hindi mo maisip kung ano ba ang paiiralin, awa o praktikalidad. Upang hindi ka mamali ng pasya, ipaubaya na lang sa kasuyong Sagittarius ang  pagdedesisyon. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Dagdag na ispiritualidad ang dapat! Kapag sinamahan ng taimtim na panalangin ang iyong Christmas wish mas mabilis itong matutupad. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin! Habang nagpapakabuti  lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Aries, may magandang kapalarang kang makukuha sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Iwasang magyabang. Mas mabilis na  uunlad ang buhay, kung pananatiliin ang pagiging low profile. Huwag masyadong dominahan ang kasuyo, baka nasasakal na siya. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Yantra-Om.” Orange at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Ang positibong pag-iisip ay may malaking maitutulong. Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong kataga: “Yayaman ako….Ako’y yayaman! Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Hindi dapat na ipagpilitang lagi ang iyong gusto! Habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Sa pag-ibig, hayaang ang kasuyong Cancer naman ang masunod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Om-Padme-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— ‘Wag kang masyadong mabait! Dahil sa sobrang kabaitan, mauubos agad ang  pera. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagpakitaan ng kabaitan, ang kasuyo mong Virgo.  Mapalad ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava”. Pink at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Sa pinansiyal, wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang inyong Pasko. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi madaling magpatawad, ngunit kailangan mong gawin ito dahil malapit na ang pasko, upang muling mabuo ang relasyon! Tandaang hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  ‘Wag daanin sa init ng ulo ang anomang problema! Panatiliin ang pagiging mahinahon para dumami ang pera. Sa pag-ibig, tigilan na ang madalas na pambubulyaw at pang-aaway sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Yellow at orange ang buenas.

Read more...