Bakit sobrang ganda na agad ang naipapakita mong laro sa Rain or Shine?
Siguro, dahil na rin sa mga teammates ko. Tinutulungan nila ako. At binibigyan ako ng kumpiyansa ng buong coaching staff ng Rain or Shine.
Ngayon pa lang, marami na ang nagsasabi na ikaw na nga ang mananalong PBA Rookie of the Year. Ano ang masasabi mo dito?
Sa akin, di ko naman mastadong iniisip yun. Ang importante sa akin ngayon ay yung manalo ang team namin every game. May hinahabol kasi kaming winning margin. So ang importante sa amin, manalo talaga.
Dalawang panalo sa tatlong laro ang naitala na ng Rain or Shine. Sa tingin mo, magtuluy-tuloy na ang magandang standing ng Rain or Shine?
Sa nakikita ko sa practice at game namin, siguro kaya namin manalo ng sunud-sunod. Sa endgame, hindi kami nagko-collapse. Maganda rin ang tiwala ng teammates ko sa isa’t-isa. Si coach Yeng (Guiao), binibigay yung tiwala niya sa mga players niya.
Kamusta ang relationship mo kay coach Yeng?
Ok siya. Mabait siya. Kilala naman natin si Coach Yeng during the game. Dedicated talaga siya laro. Pag sinabing Coach Yeng, nakakatakot talaga pag dating sa game. Pero mabait naman siya at gusto lang niya ibigay ng players niya ang lahat para sa game.
Masaya ka ba sa Rain or Shine or ninais mong sana ibang team na lang ang nag-draft sa iyo?
Oo masaya ako sa Rain or Shine. Walang star players at lahat nagtutulungan. Masaya ang lahat.
Ano pa ang maaasahan ng fans sa iyo?
Siguro more spectacular plays and physicality.
Bakit parang di ka isang rookie kung maglaro?
Siguro dahil sa pinanggalingan kong team, ganito na ang role ko. Kaya halos wala nang paninibago.
May nais ka bang sabihin sa mga fans ng Rain Or Shine?
Sa mga fans ng Rain or Shine, please keep supporting us. Sana tuluy-tuloy lang ang pagsuporta ninyo sa amin. Sa mga fans ng PBA, sana suportahan ninyo bawat game para patuloy ang liga natin.