Alok: 2 kasal (2) | Bandera

Alok: 2 kasal (2)

Joseph Greenfield - December 20, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lanie, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
1.      Dalawang lalaki ang halos magkasabay na nag-alok sa akin ng kasal dahil dalawa ang boyfriend ko at kapwa ko sila mahal.  Hindi ko rin maintindihan kung bakit namamakangka ako sa dalawang ilog.
2. Ibig kong malaman ang nakikita ninyo sa aking kapalaran.  Ang una kong boyfriend ay isinilang noong Set. 20, 1987.  Ang ikalawang boyfriend ko ay isinilang noong Peb. 11, 1986.  Ang birthday ko po ay Mayo 13, 1988.
Umaasa,
Lanie ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo ang isinilang sa zodiac sign na Virgo ang iyong nakatakdang mapapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mo ay higit namang katugma at ka-compatible ng birth date ng una kung ikukumpara sa birth date ng ikalawa. Ang ibig sabihin, walang pasubali na kapag namili ka na ng lalaking papakasalan sa dalawang boyfriend mo, tiyak na ang una ang pipiliin mo.
Physiognomy:
Samantala sa pag-aanalisang may kaugnayan sa body physique, sinasabing kung ikaw ay medyo chubby o mataba, siguradong isang payat o balingkinitang Virgo ang mapapangasawa at makakasama mo habambuhay.
Huling payo at Paalala:
Lanie, dapat ngayon pa lang ay mamili ka na sa dalawa mong  boyfriend dahil kapag pinagtagal mo pa ang pagpili ay baka mahirapan ka sa ginagawa mong “pamamangka sa dalawang ilog.” Piliin mo ang una sapagkat, ayon sa iyong kapalaran, sa panahong siya ang iyong napangasawa ay tiyak na ang magaganap: sa piling ng nasabing lalaki ang habambuhay na pag-unlad at kaligayahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending