Lea: Ayoko sa mga makakapal ang mukha! wag n’yo akong harapin, baka may dumugo!

LEA SALONGA INQUIRER

Lea Salonga seems to be on the warpath.

Sunud-sunod kasi ang kanyang pananaray sa kanyang Twitter account, something which surprises her followers because she’s not the type who will just make rants. Kilala kasi si Lea na mahaba ang pasensiya.

Just recently, pati ang ABS-CBN ay binanatan niya nang walang katakot-takot at walang kagatol-gatol.

Mali yata initially ang nasulat ng newsonline department ng Dos kaya naman super react na kaagad si Lea who tweeted, “Dear @ABSCBNNews, thanks for the article, but allow me to point out that I’m 42, not 43. Thanks, bye.”

Nauna nang nagtaray si Lea sa hindi niya pinangalanang tao when she tweeted, “Don’t make me angry… you wouldn’t like me when I’m angry.”

“Isa sa pinakaayaw ko ay ang taong sobrang kapal kapal kapal kapal ng mukha. Huwag niyo na lang ako harapin, baka may dumugo. Ikaw yun,” dagdag pa niya.

So, nakita ng publiko na me taray side rin pala itong si Lea and she’s not sweet after all.

Actually, DUWAG din itong si Lea. Kung matapang kasi siya ay dapat pinangalanan niya ang taong inis na inis siya.

Read more...