Gerald, Maja nag-away dahil sa malalanding babae, hiwalay na?

GERALD ANDERSON AT MAJA SALVADOR

TRUE kaya ang mga chikang naririnig namin na cool off ngayon ang estado ng relasyon nina Gerald Anderson at Maja Salvador?

May nagtanong kasi sa amin na avid supporter ni Gerald kung totoong nagkaroon ng matinding away ang magdyowa.

Wala naman kaming maisagot dahil medyo matagal-tagal na ring hindi nagpapa-interview sina Gerald at Maja sa press, pero sa huling panayam namin sa aktres ilang linggo na ang nakararaan, maayos naman daw ang relasyon nila ni Gerald. Tumanggi lang si Maja na magbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa kanila ng boyfriend.

In fairness, talagang consistent ang dalawang Kapamilya stars sa pagiging “maramot” sa press pagdating sa personal nilang buhay. Ilang beses na ring nababalita na hiwalay na ang magdyowa, pero ilang beses na rin nila itong dinenay.

But this time, sabi ng aming source, mukhang matindi ang huling pag-aaway ng dalawa kaya nagdesisyon na silang maghiwalay muna. As usual, ang isa raw sa mga dahilan ng break-up ay ang diumano’y pagiging playboy ni Gerald. Well, kung totoo nga ang chismis, tiyak na magpipiyesta ang fans ni Gerald na hindi boto kay Maja na hanggang ngayon ay umaasa pa rin na magkakabalikan sina Ge at Kim Chiu. Kaloka, di ba? Asa talaga? Ha-hahaha!

Samantala, muli namang sasabak sa pagdadrama si Gerald bukas ng gabi sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN hosted by Charo Santos. Paboritong anak na nagselos sa pagmamahal ng kanyang magulang sa isang may karamdamang bata ang karakter na bibigyang buhay ng Kapamilya actor sa Christmas episode ng MMK.

Sa direksiyon ni Nuel Naval, tunghayan kung paano hahaplusin ang puso ni Edwin (Gerald) nang ang kanyang kinamumuhiang pamangkin na si JV (Bugoy Cariño/JB Agustin) ay dinapuan ng sakit na Thalassemia. Posible bang hilumin ng isang karamdaman ang sugat sa isang pamilyang nalamatan ng galit?

Tampok rin dito sina Alicia Alonzo, Nanding Josef, Joshua Dionisio, Patrick Sugui, Shey Bustamante, Paolo Rivero at Nico Antonio. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Arah Jell Badayos at Joan Habana at sa pananaliksik ni Agatha Ruadap. Huwag palampasin ang Pamaskong family drama episode ng MMK bukas ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

Read more...