NASAWI ang Italyanong parish priest ng Arakan, North Cotabato, nang barilin ng di pa kilalang salarin sa labas ng kanyang simbahan Lunes ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay si Fr. Fausto Tentorio, ng Pontificio Istituto Missioni Estere (Pontifical Institute for Foreign Missions), nang isugod sa Antipas Medical Specialist hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan, ayon kay Senior Supt. Cornelio Salinas, direktor ng North Cotabato provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-8:25 sa simbahang pinagsisilbihan ni Tentorio sa Brgy. Poblacion.
“(Tentorio) was about to ride his service vehicle when the suspect suddenly appeared and without any provocation shot him on the body,” sabi ni Salinas sa isang text message, gamit bilang basehan ulat ng kanyang mga tauhan sa lugar.
Tinutunton pa ng lokal na pulisya ang salarin, na sinasabing tumakas sakay ng isang motorsiklo, habang isinusulat ang balitang ito.
Natagpuan naman ng mga imbestigador sa pinangyarihan ang tatlong basyo ng kalibre-.9mm pistola na ginamit sa pamamaril. – John Roson
MOST READ
LATEST STORIES