Paulo basted agad kay Kc; naiskandalo dahil kay Phil

BUMILIB ang maraming entertainment press kay KC Concepcion kung paano niya sinagot lahat ng maiinit na tanong sa kanya sa presscon ng movie niya with Laguna Gov. ER Ejercito, ang “Boy Golden” na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25.

Klaro at walang kaplastikan ang mga sagot ni KC. Isa na diyan ang tungkol kay Angel Locsin na hindi naman daw talaga sila magkaibigan at hindi rin magkaaway.

Naiintriga ang dalawang magandang aktres dahil sa ex-BF ni Angel na si Phil Younghusband na nali-link ka KC.  May mga nangba-bash kasi kay KC sa social media na fans daw ni Angel. Pero say nga ni KC, dedma na lang siya.

“Mahirap kasing mag-react, hindi nila ako kilala. Saka minsan hindi mo rin alam kung nasaan sila, e. Minsan naman kilala ko rin. Parang, ‘Kilala ko ‘to.

Paulit-ulit ‘yung isyu.’ Wala namang pinaggalingan, pinipilit nang pinipilit i-brainwash ‘yung mga tao na may ganitong nangyari kahit wala naman, ganyan.

“Sabi nga sa akin, alam mo ‘yung mga basher na ‘yan when you know the truth, deadma. Hindi ka naman nila kilala at baka mapahiya sila kung makilala ka kanila at malaman nilang hindi ka ganoon,” pahayag ni KC habang iniinterbyu namin sa backstage ng Zirkoh.

Sakto naman at katabi lang pala namin ng table sa Zirkoh Comedy Bar kung saan ginanap ang presscon ng “Boy Golden” ang fans ni KC mula sa isa sa fan clubs niya, ang Global Kachoochays.

Worldwide raw ang fans club na ‘to ni KC and take note, may mga trabaho at mayayaman ang members nila, huh!  May nang-aaway nga raw kay KC sa pagkaka-link sa kanya ni Phil.

Pero sabi ng mga Kachoochays, hindi niya kilala ng personal si Phil at isang beses lang sila nagkita. Wala raw talagang romantic involvement na nagaganap between them.

At bilang suporta nila kay KC sa latest movie niya, magkakaroon daw ng block screening ang Kachoochays kasama ang iba pang fans club ng aktres on Dec. 28 sa Podium.

Supposed to be may kanya-kanya sana silang block screening. But the problem is, wala nang maibigay na schedule si KC para personal na puntahan lahat ng block screening ng fans niya.

Diretso ring sinagot ni KC ang isyu sa iba pang nali-link sa kanya. But as it is, wala pa raw siyang nakikita na magiging next BF niya. Ibig sabihin, hindi boyfriend material si Paulo Avelino para sa kanya? Basted na ba ang aktor?

“Alam ninyo, siguro nanggaling lang ako sa sobrang showbiz couple, na hangang-hanga talaga ako na nagagawa nilang mabuhay ng maayos, na sini-share nila sa publiko ang buhay nila.

Since wala pa ako doon, ayoko munang sirain kung anuman ‘yung meron,” esplika niya. Hindi naman daw niya ipagdadamot sakaling magkaroon na siya ng BF, “Pag serious na talaga.

At kapag na-feel ko na eto na talaga, at wala na akong hinahangad sa life ko, oo naman,” diin niya.

( Photo credit to Google )

Read more...