Sam tigang na sa babae, gusto nang magka-girlfriend sa 2014


“Baby Boy” ang paglalarawan pala ni Eugene Domingo kay Sam Milby dahil sa ilang linggo nilang pagsasama sa promo ng “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” ay napatunayan niyang totoo pala lahat ng naririnig niya tungkol sa binata.

Ang nakarating daw sa premyadong aktres ay mabait, masipag, humble at hindi nagbabago simula nu’ng mag-umpisa si Sam sa showbiz ang parating sinasabi sa kanya ng mga nakakatrabaho ng aktor at totoo raw pala.

Naikuwento ito ni Uge sa taga-production ng ABS-CBN na nu’ng nasa Dubai si Uge ay mag-isang nagpo-promote si Sam ng “Kimmy Dora” at monitored daw lahat ito ng aktres kaya sobra siyang natutuwa sa binata.

Oo naman, wala talagang yabang sa katawan si Sam at sana naman ay gayahin siya ng ibang baguhang artista na nalulunod na kaagad sa isang basong tubig.

Samantala, excited si Sam sa pangakong TV project niya sa 2014 kung sinu-sino ang makakasama niya at gusto niya ulit ng challenging role tulad ng ipinakita niya sa Huwag Ka Lang Mawawala kasama si Judy Ann Santos.

Tungkol naman sa lovelife ni Sam, nanatiling zero pa rin bossing Ervin  pero hoping ang aktor na sana raw, pagdating ng 2014 ay magka-girlfriend na siya dahil miss na rin niya ang magkaroon ng special someone.

( Photo credit to Google )

Read more...