ISANG nag-aalalang maybahay ng OFW mula pa sa Tacloban ang nagpadala ng email sa Bantay OCW matapos ang matinding trahedyang pinagdaanan nila dahil sa bagyong Yolanda.
Narito ang laman ng kaniyang sulat:
“Dear Susan: I am thankful for having crossed your column Bantay OCW when I was in my most desperate moments.
I am a victim of “Yolanda”, from Tacloban City. My husband was scheduled to leave for Qatar on Nov. 15, 2013. He was already in Manila when Yolanda struck Tacloban.
Our last communication was November 7 through cellphone, the night before Yolanda hit our town, after which I never heard of him.
We experienced total power failure including phone towers were devastated by Yolanda. My parents and I are now in Manila seeking refuge from the devastation.
I have been trying to reach my husband thru the cellphone.
We arrived Manila Nov. 18th, and I have not talked to my husband since we arrived.
Sadly, I have no idea whether he already left for Qatar or not. This is my greatest problem encountered now, much worse than Yolanda.
I wanted very much to know where his whereabouts. Would it be possible for me to track or locate my husband? This is why I wrote you.
I have not told my parents about my problem because I don’t want to hurt them. I don’t even use Facebook because my relatives knew that my husband left already for Qatar as scheduled. Could you please help me find my husband? ” -TC
Sinadya po naming itago ang pangalan ng
ating email sender pati na ang buong pangalan ng kaniyang mister na ipinapahanap niya. Ito’y dahil na rin sa pakiusap niyang gawing pribado sana ang lahat dahil alam ng buong pamilya nila na nakaalis na ang kanyang asawa bago pa manalasa si Yolanda.
Agad namang nag-verify ang Bantay OCW sa Bureau of Immigration, ngunit napag-alaman naming walang departure record ang pangalan ng kaniyang mister na lumabas ng Pilipinas patungong Qatar. Ibig sabihin, hindi pa ito nakakaalis ng bansa.
Ngunit ipinagtataka ng Bantay OCW kung bakit wala man lang pamamaraan na ginagawa itong si mister upang alamin ang kalagayan ng kaniyang asawa at kapamilya. Kung buhay pa ba sila matapos ang matin-ding pagsalanta ng bagyo at kung nasaan na sila ngayon. Hindi nabanggit ni misis kung may mga anak na sila.
Mabuti na lamang at nakaligtas ang pamilya nito at kasalukuyang nasa Maynila na.
Hinihimok namin si TC na agad magtungo sa Inquirer Radio upang personal na siyang ma-nawagan sa radyo at telebisyon hinggil sa asawang wala pa ring contact hanggang ngayon.
Huwag na sanang isipin ni TC ang kahihiyan sa kaniyang pamilya at mga kamag-anak. May mga bagay na hindi naman natin kontralado. May mga gusto tayo, ngunit hindi iyon ang nangyayari, katulad na lamang ng kalagayan ninyo sa ngayon.
Para kay TC, hayaan mo nang malaman ng buong pamilya ang buong katotohanan, ang kalagayan mo ngayon, sa halip na sinosolo mo ang pagdurusa. Mas kailangan mo ngayon ng karamay.
Kung mababasa naman ni mister ang email na ito ni TC makakasiguro akong alam niyang siya ang tinutukoy ng asawa.
Magparamdam ka na! Nakasisiguro kaming nandito ka pa sa Pilipinas. Tulungan mo rin silang hanapin ka at anuman ang bumabagag sa inyo pare-pareho, madadala naman yan sa mahusay at tapatang pag-uusap.