Anne niresbakan, wala raw karapatang magtaray sa mga barubal na bus driver


NAGPAHAYAG ng simpatya si Anne Curtis sa recent victims ng bus accident na kumitil ng maraming buhay sa Parañaque recently.

Nakiramay si Anne sa pamamagitan ng pag-tweet ng message sa kanyang widely-followed Twitter account na merong more than 5 million followers.

“Praying for all the lives lost on the bus accident this morning and the loved ones they left behind. Such sad news. :(“ tweet ng dalaga.

Kinastigo ni Anne ang mga bus drivers dahil sa nangyaring aksidente at talagang nagtaray. “I hope this is a wake up call to the government and MMDA.

This isn’t the first time. Bus drivers are some of the most misbehaved drivers on the road. They are scary. Always after a quota they need to reach. The don’t stay in their lines and speed like crazy,” tweet pa niya.

She even offered a suggestion, saying, “Maybe it’s time we have government run & owned bus transportation. Just like any other country. Maybe it would bring more discipline?”

Okay na sana ang  pakikiramay ni Anne sa mga biktima ng aksidente pero para kuwestiyunin ang disiplina ng bus drivers ay sino siya para sabihin ‘yon.

Eh, paano kung meron ding magtaray sa kanya at sabihan siya na bakit niya kinukuwestyon ang disiplina ng drivers kung siya rin ay walang disiplina kapag nasa party?

What if somebody recalls her slapping incident in a bar na hindi sana magiging public kundi nagsalita ang isa sa sinampal niya na si JR Isaac na isang magazine editor? Paano niya ipagtatanggol ang kanyang sarili kung sakaling mangyari ito?

Anne should be careful enough not to raise howl on bus driver’s discipline kung siya ay wala ring disiplina sa kanyang sarili kapag nakakainom siya.

Hindi siya ang paragon of a disciplined woman because if she is, eh, di sana hindi siya nanampal ng tatlong tao including John Lloyd Cruz.

( Photo credit to Google )

Read more...