DOC, ano po ba ang gamot sa sugat na hindi naghihilom? — ….5836
Maliban sa “STIGMATA” (sugat ni Padre Pio), lahat ng sugat ay naghihilom, iwasan lamang ang mga sitwasyon na nakakapagpa-antala ng “HEALING PROCESS”. Anu-ano ang mga rason kung bakit bumabagal ang paggaling ng sugat? Unang-una, mahalaga ang NUTRISYON na kasama sa magandang SIRKULASYON ng dugo. Ang daloy ng dugo ay naghahatid ng pagkain (NUTRIENTS) at OXYGEN sa mga “CELLS, TISSUES, at ORGANS” ng katawan. Pangalawa, kailangan na malinis ang sugat, WALANG IMPEKSYON. Ang mikrobyo ay kumakain ng bagong CELLS kung kaya’t bumabagal ang paggaling ng sugat.
Ang paglinis (SALINE SOLUTION and ANTISEPTICS) at pag-iwas sa kontaminasyon (DRESSINGS), ay mahalaga. Kapag ang impeksyon ay malawak, kailangan uminom ng ANTIBIOTIC. Maari din na kailanganin ang SURGICAL DEBRIDEMENT, ang paglinis sa pamamagitan ng operasyon.
Dear Doctor Heal. Ako pala si Wendel, taga Buhangin, Davao City. Tanong ko lang ano ang mabisang gamot kasi lagging pinagpapawisan ang paa ko. –….0910
Maraming dahilan ang pagpapawis ng paa. Posibleng neurologic, infection, vascular at baka naman naiinitan lang. Ugaliing maging malinis at tuyo ang mga paa. Mas maigi na magpatingin muna sa doctor, bago humingi ng gamot.
Tanong ko lang po, doc, kung bakit palaging mabilis ang heart beat ko. – Rema, 21, Bacolod City, …2186
Makabubuting magpatingin ka muna kung ikaw ay walang HYPERTHYROIDISM. Magpakuha ng blood tests na sumusunod: T3, T4, TSH.
Good afternoon, doc. Nais ko lang pong itanong kung may ibang gamot para sa bulos bulgaris kasi po mga 3 months na prednisone ang gamot nya natatakot ako sa side effects nito. Salamat po. – Belen Villariza, 67, Talisay City, …2961
Kailangan magpa- SKIN BIOPSY ka muna sa DERMATOLOGIST. Mahirap magbigay ng payo at gamot nang hindi natin nakikita ang tunay kalagayan ng iyong balat. Salamat po.
Matagal ko na po kasing problema yung pag pinawisan po ako sa ulo sa mukha at sa katawan po ay mabaho po ang nagiging pawis ko e. Ano po ba ang maipapayo ninyo sa akin na makagagamot po sa problema ko. Sana po matulungan nyo po ako.
Salamat po. – Rogelio Madrid, 23, Laur, Nueva Ecija, …1678
Tingnan mo muna kung wala kang problema sa Thyroid Gland. Magpa-test muna ng T3, T4, TSH. Pumapayat ka ba? Ugallin na malinis palagi ang iyong katawan. Ang amoy sa pawis ay madalas ay dahil sa impeksyon at epekto ng kinakain. Ikaw ba ay laging nakabilad sa araw dahil sa iyong trabaho?
Good afternoon doc, ask po sana ako sa inyo. Nagregla po ako ngayon pero bakit itim ang kulay na lumabas na dugo? At parang