Bagamat maaaring ang kanyang tinutukoy ay ang pagpapalit ng diaper kapag nanganak na ang kanyang misis na si Regine Velasquez sa susunod na buwan, ang kanyang tinutukoy ay ang kanyang mabigat na trabaho nilang pangulo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit.
Tawagin mo siyang P-Ogie, o President Ogie.
Sa pagbubukas ng kanyang fragrance line para sa Bench, na tinatawag na OPM Gold and Platinum, si Ogie ay nagbiro: “OPM could stand for Ogie Pogi Mabango.
Ang mapagbebentahan ng mga cologne ay mapupunta sa OPM Endowment Fund.
“We’ve been helping our members with their health-care and funeral expenses,” ani Ogie. “Among OPM’s beneficiaries were Didith Reyes (for hospitalization) and Bobby Gonzales (for a pacemaker).”
Kasama ang mga kapwa OPM officer na sina Noel Cabangon, Christian Bautista at Dingdong Avanzado, pinangunahan ni Ogie ang kauna-unahang “OPM Fair: Ang Himig Natin, Noon at Ngayon,” sa Quezon Memorial Circle.
Hindi lamang pakay ng event na mapagsama-sama ang mga miyembro ng OPM at isapubliko ang kanilang misyon kundi nakalikom din ito ng pondo para sa organisasyon.
Sa naturang event, ang walang tumanggap ng kauna-unahang Dangal ng OPM awards ay sina: Freddie Aguilar, the Apo Hiking Society, Asin, Juan de la Cruz, Nora Aunor, Jose Mari Chan, Hotdog at Pilita Corrales.
“It’s our tribute to the pioneers,” ani Ogie.
Alam ni Ogie na maaaring umani ng kontrobersya ang parangal dahil maraming singer ang wala sa listahan.
“Selection went through a democratic process. But this is just the first year. Next year, we will include other artists. One thing I can assure the public is that everyone who’s deserving will be honored in due time.”
Bagamat malaking tulong kung magbibigay ang gobyerno, sinabi ni Ogie na masaya siya sa suportang nakuha ng OPM sa Armed Forces of the Philippines, Senator Francis Pangilinan at QC Mayor Herbert Bautista sa paglulungsad ng fair.“They really inspired us to continue the project against all odds,” ani Ogie.
Pero bakit nga ba nagpapakahirap si Ogie na buhayin ang OPM na tinatalo na ng mga foreign pop at rocks? “I just want to give back to the industry that has been so good to me, that has blessed me and my family in so many ways,” he said. “It’s a tough,thankless job. Some people may question our integrity and motives, but we are doing this because it’s the right thing to do.”
Naiintindahan naman umano ni Regine, na isang ring singer, ang kanyang ginagawa kapag siya ay abala sa OPM at wala sa bahay.
Kapag nanganak si Regine, sinabi ni Ogie na mawawala muna siya sa pagtatrabaho bilang OPM president at mainstay ng GMA 7 shows—“Bubble Gang,” “Party Pilipinas,” “Daldalita” at “Protégé.”
“I will be sharing parenting duties with my wife,” deklara ni Ogie. — Inquirer