Tinanong namin ng Christmas wish ang Kris TV host na si Kris Aquino ngayong taon. Sumagot naman kaagad si Tetay ng, “Three new endorsements are being closed by Boy (Abunda) before the end of the year, sana all three matuloy so that I may be blessed so that I can continue to share the blessings God made me a steward of.”
Oo nga naman marunong mag-share si Kris sa mga nangangailangan, sa katunayan ay maraming lugar na nasalanta ng bagyo ang napuntahan niya para mamigay ng tulong na sa sariling bulsa nanggagaling.
At ang huli naming balita ay noong Lunes ay nagkaroon siya ng gift-giving sa Tondo, Manila bago tumuloy sa taping ng Kris TV kinahapunan.
Bukod sa taping ng Kris TV at pagbisita sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban City ay bisi-bisihan din siya sa promo ng “My Little Bossings” kasama sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap.
Samantala, isa na si Kris sa miyembro ng board para sa sugar mill company ng pamilya Cojuangco na hindi naman niya itinanggi dahil ng tanungin namin siya, ito ang kanyang naging tugon, “I have a lot to learn about applying science and research in agriculture, so I’ll be taking several seminars.”
( Photo credit to Google )