Maga-abroad ka | Bandera

Maga-abroad ka

Joseph Greenfield - December 17, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Luke ng Catalunan Grande, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Graduate ako ng kursong marinero. Pero, hanggang ngayon ay di pa nakasasampa sa anumang barko. Hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho. Pero, hindi naman ako humihinto sa kaa-apply sa mga shipping at manning agencies. Lahat sila ay nagsasabing tatawagan na lang ako pero hanggang ngayon ay wala pang tawag. Tumatakbo ang aking edad at sa edad kong ito, may pag-asa pa kaya akong magkaroon ng regular na trabaho? Kung meron, kailan? Nagsasawa na kasi ako sa buhay ko na walang ginagawa at maghapon na lang sa bahay. March 24, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Luke ng Catalunan Grande, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa guhit ng iyong palad, may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, pero hindi pa sa ngayon, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong buhay.
Cartomancy:
Jack of Diamonds, Nine of Diamonds, at Four of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon 2014 may mabunga at mabiyayang paga-abroad kang mararanasan, ngunit ngayong taon, tulad ng nakalipas na mga karanasan, pais-istambay ka pa rin hanggang sa sumapit nga ang taon 2014, na siyang pinaka-mapalad mong panahon sa career. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending