MAGANDA ang pasok ng Disyembre para kay Korina Sanchez dahil sa pag-arangkada ng kanyang daily radio show na “Rated Korina” sa DZMM at patuloy ang mataas na rating ng TV Patrol at ng kanyang weekly Sunday magazine show na Rated K na nabigyan ng parangal kamakailan ng dalawa sa pinakarespetadong award-giving bodies ng bansa.
Pinarangalan kamakailan ng Anak TV Awards ang kanyang programang Rated K bilang Most Popular TV Show. Ang Anak TV Award ay binibigay para sa mga child-friendly na mga programang pangtelebisyon na maaari at malayang panoorin ng mga kabataan.
Tinanggap ni Koring ang Anak TV Award kasama ang executive producer ng Rated K na si Stanley Castro, Ang MTRCB Chairman na si Atty. Toto Villareal kasama ang cute na cute at child sensation na si Ryzza Mae Dizon ang nag-present ng award kay Koring.
Hindi ito ang unang karangalan na natanggap ni Korina at ng Rated K mula sa Anak TV Awards dahil Hall of Famers na ang anchorwoman at ang kanyang show sapagkat linggu-linggo ay naghahatid nga ito ng mga makabuluhan, magaganda at interesting na kuwento ng buhay.
Punumpuno ng mga kakaibang impormasyon at mga kamangha-manghang istorya na sumasalamin sa kultura at pamumuhay ng bawat Pilipino ang Rated K at milyun-milyong mga Pilipino mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nakatutok dito tuwing Linggo.
Pinarangalan din si Korina sa ikatlong Makatao Awards for Media Excellence ng People Management Association of the Philippines o PMAP.
Kinilala ang anchorwoman ng prestihiyosong awards ng PMAP bilang Female Newscaster Of The Year habang Best TV Newscast naman ang TV Patrol kung saan co-anchor si Korina kasama nina Noli De Castro at Ted Failon.
Ang PMAP ay binubuo ng mga executives sa business at industry sectors ng bansa.?Kinikilala nito ang mga natatanging programa at personalidad sa media na may malaking papel sa pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa at negosyo sa bansa.
( Photo credit to Google )