Bong Go humirit sa 5-year validity ng PRC ID

NAGHAIN ng panukalang-batas si Senador Christopher “Bong” Go para mapalawig hanggang limang taon ang bisa ng Professional Regulation Commission (PRC) Identification card.
Sinabi ni Go sa kanyang Senate Bill No. 2326, mahalaga at malaki ang magiging pakinabang ng mga propesyonal sa bansa kung madadagdagan ng dalawang taon ang kasalukuyang tatlong tao na bisa ng kanilang PRC ID.
Ayon sa kanya, mas makakatutok ang mga propesyonal sa kanilang trabaho at hindi iintindihin ang bisa ng kanilang professional ID.
Baka Bet Mo: Bong Go handang mag-ambag sa OVP 2026 budget, Jinggoy nagpasaring sa ‘insertions’
Makakatipid din, aniya, sa mga gastos sa pagpapa-renew ng PRC ID, bukod pa sa hindi pagliban sa trabaho.
Kailangan na amyendahan ang PRC Modernization Act kapag naaprubahan ang panukala ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
