Coco pinaligaya ang mga batang na-trauma sa bagyong Yolanda

Sa lahat ng nagtatanong kung tumulong ba si Coco Martin sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, hindi lang nag-iingay ang Kapamilya Teleserye King pero napakarami na niyang nagawang relief mission, lalo na para sa mga batang nasa mga evacuation centers ngayon.

Noon pa nagsimula si Coco sa kanyang sariling pagtulong sa mga Yolanda survivors, tulad ng  mga outreach program sa Villamor Air Base, Pasay City kung saan pinaligaya ng aktor ang mga nandoon lalo na ang mga kabataan na tumutok sa kanya noon sa seryeng Juan dla Cruz.

Nitong weekend, lumipad si Coco kasama ang mga taong nasa likod ng Dreamscape Entertainment sa Tacloban, Leyte para sa isa na namang relief mission.

( Photo credit to Google )

Read more...