Ruru Madrid hinangaan si Kai Sotto: Mabuting tao

NAGING bukas ang Kapuso actor na si Ruru Madrid hinggil sa kanyang obserbasyon sa brother-in-law na si Kai Sotto.
Si Kai ang napangasawa ng kanyang bunsong kapatid na si Rere Madrid na ngayon ay buntis sa kanilang panganay na anak.
Sa naging guesting ni Ruru sa “Fast atalk with Boy Abunda”, nagkuwento ito kung paano niya hinangaan ang basketbolista lalo na sa ginawa nitong pag-uwi mula Japan para sabihin sa mga magulang ni Rere ang pagbubuntis nito.
Ang Kapuso actor ang naunang nakaalam tungkol sa pagbubuntis ng kanyang bunsong kapatid.
Baka Bet Mo: Ruru Madrid na-shock nang malamang buntis na si Rere kay Kai Sotto
View this post on Instagram
“So tinawagan ko si Kai, nag-usap kami for like four hours through phone, and du’n sinabi ko sa kaniya na ‘Bro, better siguro na umuwi ka dito sa Pilipinas, and then, sabihin mo kung ano talaga ‘yung nangyari.’ Mula dun, sobrang nirespeto ko si Kai kasi talagang ginawa niya kahit sobrang busy siya sa Japan,” kuwento ni Ruru.
Dagdag pa niya, may game noon si Kai sa Japan at umuwi lang sa Pilipinas para ipaalam na sa pamilya Madrid ang tungkol sa pagbubuntis ni Rere.
“Then the next day, bumalik na siya ng Japan. So, na-appreciate ko po ‘yung tao kasi hindi naman po lahat ng lalaki may ganu’ng tapang na harapin kung ano ‘yung sitwasyon,” lahad pa ni Ruru.
Nang tanungin naman siya tungkol sa bagong kasal, malugod naman itong nagbahagi mg kanyang obserbasyon sa bagong adisyon sa kanilang pamilya.
“Mabuting tao po si Kai. Dun pa lang sa ginawa niyang gesture na ‘yun, nakita ko kung ano po ‘yung pagkatao niya,” sey ni Ruru.
Sa katunayan, noong nagkaroon raw sila ng double date kasama ang aktres na si Bianca Umali, mas naramdaman niya ang pagiging totoo nito.
“Siyempre, ‘pag [kasama ang] kuya, alam mo na magpapakitang-gilas. Hindi siya ganun, cool lang, sobrang cool. Actually, parehas sila ng personality ni Bianca. So sabi ko, ‘Gusto ko itong taong ‘to.’ Kasi wala siyang gustong patunayan,” masayang bahagi ni Ruru.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
