Harry Roque bumoses: Meron nga daw nang-hudas kay Bato

USAP-USAPAN ngayon ang pahayag ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque hinggil sa mga naglalabasang ulat patungkol sa umano’y pagkakaaresto kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, nitong Martes, August 4.
Sa kanyang Facebook post nitong Martes nv gabi, maikli ngunit nakatawag ng pansin ang kanyang inilahad tungkol sa nagtatagong senador.
“Meron nga daw na nang-hudas kay Bato,” saad ni Roque.
Wala naman nang iba pang detalyeng ibinahagi ang dating presidential spokesperson ngunit sapat na ito para umingay ang kanyang post.
Baka Bet Mo: Harry Roque barag na barag kay Castro sa isyu ni Zaldy Co: Fake news peddler
View this post on Instagram
Umani ng samu’t-saring komento mula sa publiko ang pahayag ni Roque patungkol kay Bato.
Matatandaang lumutang ang post niya matapos ang cryptic post ni Atty. Jimmy Bondoc pati na rin ang mga unverified news na arestado na si Bato.
Sa kabila ng mga pahayag nina Bondoc at Roque, nananatiling espekulasyon pa rin ang kinaroroonan ni Bato.
Samantala, pinabulaaanan naman ng mga ahensya ng gobyerno na nadakip nila ang nagtatagong senador.
Nauna nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na wala siyang natatanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pag-aresto sa senador.
Maging si Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez ay nagsabing wala pa silang detalye kaugnay ng naturang ulat.
Samantala, kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na patuloy pa rin ang manhunt laban sa senador.
Ayon pa kay Matibag, nananatiling pinaghahanap si Dela Rosa alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
