'Rosario' pinagsamang Feng Shui, Final Destination ang gulat level

‘Rosario’ pinagsamang Feng Shui, Final Destination ang gulat at takot level

Ervin Santiago - August 05, 2026 - 06:30 AM
'Rosario' pinagsamang Feng Shui, Final Destination ang gulat at takot level
Aubrey Caraan, Lance Carr, Meg Imperial, Yumi Garcia at Jairus Aquino

NAGTAGUMPAY ang latest horror movie ng Viva Films na “Rosario” sa pananakot at panggugulat sa mga manonood.

Grabe! Nakakabingi ang tilian ng mga um-attend at nag-watch sa naganap na premiere night ng pelikula sa SM Megamall Cinema 2 last Monday, August 3. 

In fairness, talaga namang matindi ang mga jump scares sa pelikulang “Rosario” na idinirek ni Roni S. Benaid, na siya ring nagdirek ng mga horror films na “Poon,” “Mary Cherry Chua,” “Marita,” at “Nanay, Tatay.”

Ito’y pinagbibidahan ni Aubrey Caraan bilang si Beth, ang kapatid na desperadong iligtas ang kanyang pamilya; Yumi Garcia bilang Ave, ang nawalay na kapatid na madadamay sa sumpa; Lance Carr bilang Caleb, ang dating kasintahan ni Beth na nagbabalik para tumulong wakasan ang sumpa; Meg Imperial bilang Magda, ang kanilang ate na pasan ang bigat ng responsibilidad sa pamilya; Jairus Aquino blang James, ang maaalalahaning kapatid na umaalalay sa lahat; at Suzette Ranillo bilang Anne, ang tiyahing hindi sinasadyang magpapasimula ng sumpa. 

Iikot ang kuwento sa isang nakakakilabot na sumpa na hango sa isang sikat na pamahiing Pilipino na may kaugnayan sa kamatayan.

Ayon sa tradisyon, naglalagay ng rosaryo sa kabaong upang gabayan ang kaluluwa ng yumao patungo sa langit. Ngunit, kailangan itong putulin bago ilibing ang patay. 

Kapag hindi ito nagawa, pinaniniwalaang magdadala ito ng sumpang kamatayan sa mga naiwan—at ito mismo ang haharapin ni Beth.

Isang mapagmahal na kapatid, mapipilitang lapitan at harapin ni Beth si Ave, ang kanyang kapatid na hindi niya nakilala at nakasama sa paglaki. Pagtatagpuin sila dahil sa isang trahedya—ang pagpanaw ng kanilang ina. 

Baka Bet Mo: 10 horror movies na tumakot sa Pinoy

Habang nagluluksa ang pamilya, isang rosaryo ang ilalagay ng kanilang relihiyosong tiyahin sa loob ng kabaong. Ngunit sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, makakalimutan ng pamilya ang huling hakbang ng ritwal. 

Hindi nagtagal, sunud-sunod ang mga nakakagimbal at hindi maipaliwanag na pangyayari. Kasama ang kanyang mga kapatid, kailangang pigilan ni Beth ang sumpa bago tuluyang maubos ang kanilang buong pamilya. 

Parang pinagsamang “Feng Shui” at “Final Destination” ang tema ng “Rosario”, kung bakit iyan ang dapat n’yong tuklasin para walang spoiler. 

Pero ang sure kami, mawiwindang kayo sa sunud-sunod na pagpatay sa kuwento pati na ang paraan kung paano sila isa-isang hahantingin ni Rosario!

Naku! Abangan n’yo ang nakakalokang eksena ni Aubrey Caraan sa bandang ending ng movie na siguradong ikaka-shock n’yo nang bonggang-bongga! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Rosario” ngayong araw, August 5, sa mga sinehan sa buong bansa. Advice lang mga ka-BANDERA, huwag na huwag kayong manonood mag-isa dahil baka hindi kayanin ng powers n’yo ang takutan at gulatan! 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending