Dennis Padilla kontra kung tatakbong pangulo o VP si Robin Padilla

Dennis Padilla kontra kung tatakbong pangulo o VP si Robin Padilla

Ervin Santiago - August 05, 2026 - 12:50 AM
Dennis Padilla kontra kung tatakbong pangulo o VP si Robin Padilla
Dennis Padilla at Robin Padilla

PARA sa veteran actor at comedian na si Dennis Padilla, mas gusto niyang tumakbo uling senador si Robin Padilla kesa kumamdidato sa mas mataas na posisyon.

Naniniwala si Dennis na mas marami pang magagawang mahalaga at makabuluhang batas ang kanyang BFF na action star bilang senador.

Nakachikahan ng BANDERA ang aktor kamakailan kasama ang ilan pang piling miyembro ng entertainment media kung saan natanong siya about Sen. Robin.

May mga nagpu-push kasi na tumakbong vice president ang mister ni Mariel Rodriguez sa 2028 national elections ka-tandem ang Bise Presidente na si Sara Duterte.

Meron namang nagsasabi na pwede rin daw tumakbong pangulo ang senador at kalabanin si VP Sara.

Dahil dito nausisa si Dennis kung aprub ba sa kanya na kumandidatong pangulo o VP ang veteran action star.

“No, no, no. I want him to run as senator again. Kasi, number one, magaling na siya sa paggawa ng batas. Magaling na siya sa legislative work. So, perfect na lang ‘yun,” pahayag ni Dennis. 

Aniya pa, “Tsaka less challenges kapag senatorial. Less challenges, less gastos.

Baka Bet Mo: Robin sa death threat: Parang demonyo na ang mga kriminal sa pagpaslang ng tao

“Kasi nasa number one position na siya. Kapag tumakbo si Robin, ang pinakamababa niyang puwedeng makuha ay top three, top three or top four. 

“Pero sa survey, kahit na today ang election, number one pa rin si Robin Padilla,” pagmamalaki ng komedyante.

Sa mga naglabasang latest survey, nasa number one pa rin si Robin sa  bet ng mga Pilipino na manalong senador sa susunod na eleksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa pang survey kung saan nakapasok din ang pangalan ng senador sa mga iboboto ng mga Pilipino sa pagka-bise presidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending