The Rainmakers, Gerphil Flores, NOVA hataw sa Knights of Rizal 75th anniv

MATAGUMPAY at naging makabuluhan ang selebrasyon ng 75th anniversary ng Knights of Rizal (KOR) na ginanap kamakailan sa Manila Hotel.
Dinaluhan ito ng mga opisyal at miyembro ng KOR kasama ang kanilang mga pamilya mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Isinabay na rin kasi nila sa pagdiriwang ang paglulunsad sa Pilipinas ng advocacy project na M.I.L.K. (Make Intelligent Lots of Kids).
Ang layunin nito ay makapagbigay ng libreng gatas sa mga mahihirap na nagdadalantaong mga ina (sa halip na mga bata). Isang basong gatas sa nanay sa unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata.
Ayon sa Knights of Rizal Supreme Commander na si Dr. Manny Calairo, “That initially for 15 straight months the KOR will be partnering with various LGU’s nationwide to fight malnutrition that causes brain stunting in children due to poverty.
“Kabilang dito ang daily sustained milk feeding of poor and nutritionally at risk pregnant mothers (ideally in their earliest period of the 1st trimester of pregnancy) para labanan ang malnutrition na nagdudulot ng permanent brain stunting of a child after 2 years of age,” paliwanag pa niya.
Baka Bet Mo: Gerphil Flores vs Regine Velasquez: nagkabugan sa biritan
Ayon sa nasaliksik na datos isa sa apat na batang Filipino (25%) ang isinisilang na may kakulangan sa kalusugan ng kaisipan.
Isang programa sa San Jose, Batangas noong Hulyo 25, 2026 ang naisagawa na at nasundan sa Magdalena, Laguna noong Hulyo 27, 2026.
Sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo, sa pamamagitan ng kasapi ng KOR na si Doc Mike Aragon, nagbigay ng kasiyahan ang ilang celebrity para sa lahat ng mga dumalo.
Sa naturang gala night itinampok ang mga sumikat noong 70’s at 80’s sa mga nag-hit nilang kanta, ang The Rainmakers.
Kasama rin ang award winning singing divas na sina Gerphil Flores at Allison Gonzales, at ang Philippine Navy singing sensation na si Commander Lady Chatterly Alvarp-Sumbeling.
Sumuporta rin sa KOR M.I.L.K Project ang up and coming P-Pop group na NOVA at ang pangulo ng Manila Hotel, ang singing senator na si Joey Lina.
Samantala, palagi pa ring inaalala at sinasambit ang mga katagang nagmula sa ating Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal, na “Ang kabataan ang kinabukasan ng ating bayan.”
At ito ang isinasabuhay na turo ng Knights of Rizal. Ang layunin ng KOR ay ang pag-aralan at palaganapin ang mga aral ng ating bayaning si Rizal.
Kasama na ang pagyamanin at pagbunsod sa pagiging makabayan at pagkakaisa at magsagawa ng mga taunang pag-alala o paggunita sa isinusulong ng samahan.
Ang mga ranggo ay kinikilalang Knight, Officer, Knight Commander, Grand Officer, at Knight Grand Cross of Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
