Jeric Raval napapaaway sa mga lasing dahil sa pagiging action star

TALAGANG napapaaway ang veteran actor na si Jeric Raval kapag may mga gustong sumubok sa kanyang pagiging action star sa tunay na buhay.
Parang mga eksena rin daw sa kanyang mga pelikula ang ilang mga pangyayari sa tunay na buhay dahil sa mga taong nayayabangan at naaangasan sa kanya.
Pagbabalik-tanaw ni Jeric Raval sa kanyang kabataan lalo na kapag napaparambol siya. Ang feeling daw niya that time ay siya ang Hollywood action superstar na si Steven Seagal kapag nakakainom.
“Sa labas naman, siyempre, kapag action star ka, akala nila talagang top guy ka, magaling ka.
“‘Yung ginagawa mo sa pelikula, kaya mo gawin sa tunay na buhay. Hindi nila naiintindihan pelikula lang ‘yan, image lang ‘yan,” ang rebelasyon ni Jeric sa panayam sa kanya ng “Kay Susan Tayo! Vlogs” ni Susan Enriquez.
“Gusto kang subukan at that time. There was a time may bar dito sa malapit sa Sgt. Esguerra. Napaaway ko doon. Away-lasing lang,” pag-alala ng aktor.
Sasabihin pa raw sa kanya ng ibang customer, “‘Pabayaan niyo ‘yan. Wala naman ‘yan. Gugulpihin ko lang ‘yan eh.’”
Baka Bet Mo: AJ Raval pangarap magkaroon ng 12 anak: Ang saya-saya nu’n!
Pagpapatuloy pa ng ama ng dating Vivamax Queen na si AJ Raval, “Eh, nu’ng araw kasi, kapag nakainom ako, feeling ko, dalawa ang pakiramdam ko nu’ng araw ha? I’m talking of 1997.
“Noong araw, hindi na po ito ngayon, pakiramdam ko ako si Steven Seagal. Pakiramdam ko, guwapo ako,” ang tawa nang tawang chika pa ni Jeric.
“Pinagpapapatulan ko ‘yung mga walang kuwentang away, walang kuwentang usapin. Siyempre hindi man tayo magpapauna. Isang malaking kahihiyan.
“Alam mo, kapag action star ka at kapag nagulpi ka, laos ka agad-agad,” hirit pa ni Jeric kasabay ng disclaimer na huwag na huwag gagayahin ang mga pinaggagawa niya noon.
Kuwento pa ni Jeric, kung minsan daw ay kakuntsaba niya ang mga waiter sa mga pinupuntahan niyang bar na nagsusumbong sa kany kapag may mga customer na mainit ang tingin sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
