Angel Locsin idol na idol si Alex Eala; pasado bang twin sisters?!

HINDI rin napigilan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang sarili na ibandera sa buong mundo ang kanyang paghanga kay Alex Eala.
Sa isa na namang pambihirang pagkakataon, muling nagparamdam sa social media ang tinaguriang real life Darna upang batiin ang Pinay world tennis superstar.
Nag-post si Angel ng litrato ni Alex sa Facebook at Instagram na kuha sa pinakahuling winning moment nito sa 2026 Mubadala DC Open.
Mababasa sa caption ng aktres, “IDOL.”
Sa isa pa niyang hiwalay na post, binati niya ang tennis superstar, “Mabuhay ka Alex! First Filipino player to win a WTA Tour singles title. Congratulations, Alex! #AlexEala.”
Mababasa naman sa comment section ng post ni Angel ang reaksyon ng mister niyang si Neil Arce. Aniya, “Basta alam ko bata pa lang ako idol na kita.”
Kahapon, na-achieve ni Alex ang pinakamalaking victory sa kanyang tennis career after niyang patumbahin ang world’s No. 3 tennis player na si Jessica Pegula ng United States sa 2026 Mubadala DC Open.
Baka Bet Mo: Alex Eala walang kayabang-yabang: It’s not like I’m the queen of the world
Si Alex ang first ever Filipino na nagwagi ng WTA Tour singles championship kaya naman nagbunyi ang buong Pilipinas sa isa na naman niyang historic win.
Nauna rito, marami namang netizens ang nakapansin ng pagkakahawig daw ni Alex kay Angel lalo na sa ilang photos na bulandra sa social media mula sa huli niyang laban.
Kaya naman marami na ang tumatawag ngayon sa kanya ng Angel Locsin look-alike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
