Iyah Mina tumalak sa nanggagaya sa Vice Comedy Club

MATAPANG na sinita ng aktres at komedyanteng si Iyah Mina ang umano’y nanggagagaya sa pagmamay-aring comedy bar ni Vice Ganda na Vice Comedy Club.
Sa kanyang Facebook post, diretsahan siyang nagpatutsada sa pangongopya sa Vice Comedy Bar na lahat ay kinopya na umano,
“Okay lang naman magbukas ng comedy bar, may matutulungan tayong mga empleyado pero ‘yung pinaghirapan ng mga taong nasa likod para mabuo lahat [ng] meron ang VICE Comedy Club wag [ganon] VERY WRONG!!!!!!!” saad ni Iyah.
Chika pa niya, nagawa pang bumisita ng kumopya sa konsepto ng Vice Comedy Club sa naturang comedy bar bago ito tuluyang gayahin.
Baka Bet Mo: Iyah Mina ilang beses tinawag na ‘SIR’ sa coffee shop: Kapal ng blush on ko, ha!
“Wow nag-ocular visit lang para makopya? Nooooooo! [That’s] wrong! Pati social media keme nagawa niyo! Galingggg!!!” sabi pa ni Iyah.
Dagdag pa niya, “Ano pa? Pati mga jokes gooooo!!!!”
Umani naman ng samu’t-saring komento mula sa madlang pipol ang naturang pag-call out ni Iyah.
“ang 8080 ng mga comments lol kesyo ‘nasa Davao naman, malayo naman.’ So? Since when naging valid excuse ang distance para sa pangongopya? Malayo man o magkatabi lang ang negosyo, a copycat is still a copycat. Hindi nababago ng kilometro ang originality. Mas lalo na kung pupunta ka pa sa original na negosyo para kumuha ng ideas tapos halos pareho ang concept. Tawag diyan inspiration kung may sariling twist at identity. Pero kung halos parehong concept ang ibebenta, ibang usapan na. Business is about innovation, not imitation. Distance doesn’t make copying any less obvious lol Also as a bisaya,, kauwaw ana suon-suon mo ug concept, please pangita mo ug inyong originality,” mahabang litanya ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “May point naman si Iyah. Hindi naman porket magkaibang lugar ay tama na ang kumppya.”
“Hayaan n’yo na ang importante may mga trabahong naibibigay,” sey naman ng isa.
Matatandaang 2024 nang buksan ng Unkabogable Star ang Vice Comedy Club.
Ilan sa mga regular performers rito ay sina Iyah, Petite, Donita Nose, Divine Tetay, Negi, Pepay, Makki, Jewel, Anton Diva, at MC and Lassy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
